Sa patuloy na pag arangkada ng Philippine Team sa nagaganap na 30th South East Asian Games dito sa Pilipinas, napa-throwback naman sa kanyang unforgettable experience ang actor-politician na si Richard Gomez.
Sa kanyang Instagram post, binalikan ni Goma ang isa sa kanyang best memory sa paglahok sa SEA Games nang minsan siyang naging bahagi ng National Team para sa Fencing, na ginanap noon sa Chiang Mai sa Thailand.
“1995 Chiang Mai - SEAGAMES National Team for Epee” caption ni Goma sa post.
Sa huling tala ng SEA Games, nangunguna pa rin ang Team Philippines sa may pinaka maraming medalya na nakuha.