• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid at Nadine Lustre, matatagalan pa bago magsama sa proyekto

James Reid at Nadine Lustre, matatagalan pa bago magsama sa proyekto

Huling nagsama si James Reid at Nadine Lustre sa pelikulang “Never Not Love You” noong 2018.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/4/2019 1:14 PM
James Reid at Nadine Lustre, matatagalan pa bago magsama sa proyekto


Photo credit: @nadine IG

Tila matatagalan pa bago magsama muli sa isang proyekto ang tambalan ng JaDine na sina James Reid at Nadine Lustre.

Kasunod ito nang naging pahayag ng aktor nang tanungin kung kailan sila magsasamang muli ni Nadine sa isang proyekto na huling nagsama sa pelikulang Never Not Love You noong 2018.

“Currently yes, I admit it’s challenging. But, we’re trying to work things out,” sabi pa ni James sa press.

Ayon pa sa aktor, isa sa naging hamon sa kanilang pagtatambal sa isang proyekto ang pagkakaroon ng magkaibang management team.

Matatandaan na Setyembre nitong taon, nagdesisyon si James na lisanin ang Viva Artists Agency na parehong management team nila ni Nadine.

READ: James Reid says leaving VIVA, having no management gave him ‘more freedom’

“Since I left VIVA, It’s been... Just waiting for things to settle down, so that we can work out how we can work together in the future.”

Sa ngayon tutok si James bilang isang record label producer.