• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Marlo Mortel says his heart broken when Marnella tandem split up

EXCLUSIVE: Marlo Mortel says his heart broken when Marnella tandem split up

Paano pinagdaanan ni Marlo Mortel ang biglang pagbuwag ng Marnella?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/4/2019 12:46 PM
EXCLUSIVE: Marlo Mortel says his heart broken when Marnella tandem split up


Photo credit: @marlomortelmusic IG

“Heart breaking” kung i-describe ni Marlo Mortel ang pagkabuwag ng tambalan nila noon ni Janella Salvador na tinawag na MarNella. Sa interbyu ng PUSH kay Marlo ay binalikan nito ang mga nangyari noon pero nilinaw niya na wala siyang masamang intensyon sa ginawa niyang pagbabalik-tanaw.

“Kasi sa totoo lang, kung nando’n ka sa situation ko very heart breaking, eh. Kasi never naman akong nagsalita tungkol sa amin ni Janella kasi very thankful naman ako kay Janella and very close kami. Pero para tanggalin ka sa isang love team na very successful is heartbreaking for a person,” simulang pahayag ng singer-actor sa PUSH.

Patuloy niya, “Siguro kung sa iba yon na-depress na sila, pero ako, hindi ko siya ti-nake personally. Never naman ako naging vocal kasi ayoko na yung maging tingin nila sa akin is bitter. Pero mostly, people are telling me na after that, baka iniisip nila wala na ako kasi iniisip nila na dahil lang do’n kay Janella, dahil sumikat, ganyan.

“Pero siguro hindi pa nila nakikita kung papaano ako nakarating do’n, yung journey ko, yung potensyal ko din na trinabaho ko din yan mag-isa, na inaral kong mag-acting mag-isa dahil never naman akong nag-acting workshop, wala akong manager, so parang nung tinanggal nila ako don, hindi ko alam kung bakit.”

Nabuo ang tambalan nila ni Janella sa daytime series na Be Careful With My Heart nanasundan pa ng Oh My G!

Pagkatapos kanilang naging tambalan ay kay Elmo Magalona naman ipinareha si Janella na hindi rin naman nagtagal.

“Actually, wala siyang personal abiso na, ‘Uy.’ Basta nawala na lang ako bigla sa eksena, parang ganun and then nalaman ko na, ‘Ah, may love team na siyang iba.’

“Pero wala akong galit at all. Tinanggap ko yon wholeheartedly. Kasi parang, ‘Oh, sige kung may bago na siyang love team… Pero wala man lang talagang paalam na… ang nangyari talaga naiwan ako sa eksena,” lahad pa ng aktor.

Sa journey ng naging love team nina Janella at Elmo ay naging masaya  din daw naman siya para sa kaibigan.

Ani Marlo, “Binigyan ako ng blessing na mapunta ako sa Be Careful, magkaroon ako ng Oh My G, magkaroon spot for a time, so thankful ako do’n. And dahil na-build ko yung friendship ko with Janella, I’m happy kung ano man yung binibigay sa kanya. Yon nga lang, mas wala lang opportunities for me na nag-open after.”

Hindi rin naman daw niya masisisi si Janella na kumalas sa kanya dahil sumusunod lang naman ito sa ipinapagawa.

“Sumusunod din lang kasi siya sa order, eh. Actually, wala naman akong sinisisi at all. Ang hinihingi ko lang, sana nabigyan din ako ng chance, yon lang naman sana,” sambit pa niya.

Nang mabuwag ng Elnella love team ay hindi rin daw niya ito ikinatuwa.

“Friend ko si Janella, so hindi ako tulad ng iba na parang masaya dahil nabuwag sila. Nung time na down siya, tuwing down siya kino-comfort ko siya. I’m there for her as a friend. Yon nga lang, sa showbiz kasi hindi lang talaga siya pantay-pantay like alam mo yon… how they see and how they treat you, so parang tanggap ko yon.

“Hindi ako nag-amok at all na, ‘Bakit wala na kami kahit successful lahat ng project namin?’ Hindi ako nag-amok at all. It’s not for me na parang to prove to everybody na I should be the better man.

“Alam mo noon, siguro meron lang, hindi sama ng loob, eh, medyo hurt lang. May percentage na na-hurt ako na parang, ‘Ah bigla na lang palang ganun.’ Ganun pala kadali. Wala na, wala ka na sa picture, and hindi man ipinagpaalam sa ‘yo talaga, prior.

“So I was a bit hurt, pero that’s life, eh. Sanay na ako sa rejections, eh, di ba tulad nga ng sabi ko I’ve been rejected many many times. Tatlong contest na sinalihan ko ni-reject nila ako lahat. I picked myself up, I tried and tried it again hanggang makakuha ako ng spot,” paliwanag ni Marlo.

Sa huling bahagi ng aming interbyu ay iginiit ng binata na masaya din siya bagong ka-love team ni Janella sa  na si Joshua Garcia.

“Oo, kilala ko sila pareho. Wala… wala akong inggit kahit kanino, hindi ako ganun… hindi ako ganun. Pag para sa yo, para sa yo. Pag para sa akin, para sa akin, hindi ako eeksena, hanggang do’n lang yon,” pagtatapos ng singer-actor.