• Home
  • Fresh Scoops
  • Doug Kramer at Cheska Kramer, naghahanda na para sa ika-apat na anak

Doug Kramer at Cheska Kramer, naghahanda na para sa ika-apat na anak

Ipinagdadasal na daw ng mag-asawang sila Doug Kramer at Cheska Kramer ang ika-apat nilang anak.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/4/2019 12:59 PM
Doug Kramer at Cheska Kramer, naghahanda na para sa ika-apat na anak


Photo credit: @dougkramer IG

Handa na daw ang bagong baby’s room para sa ika-apat na anak ng mag-asawag Doug Kramer at Cheska Kramer.

Sa pagbisita ng Magandang Buhay hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa bahay ng Team Kramer nitong Martes, ibinahagi ng mag-asawa ang paghahanda para sa kanilang baby number 4.

WATCH: Take a tour of Team Kramer’s mansion

“Ang pinagpe-pray namin is at least Cheska would get pregnant one more, and at the same time a healthy pregnancy,” pahayag ni Doug sa mga momshie hosts.

Ayon kay Doug, plano nilang dumaan sa proseso ng IVF o In Vitro Fertilization, dahil sa naging kumplikado ang huling dalawang pagbubuntis ni Cheska.

“Pinagdadasal pa namin. Kasi mas complicated yung process kasi si Cheska nagkaroon siya ng nutririon problem back to back with Scarlet and Gavin. So now, ang process ay through IVF, kasi ligated na siya e, so mahirap,” paliwanag ni Doug.

“So we’re still praying na 2020 will bring us a baby,” pagpapatuloy ni Doug. “We’re all hoping for twins,” sabat naman ng panganay ng mag-asawa na si Kendra.

Pokus na sa pamilya at mga negosyo si Doug lalo na ngayong kaka-retire niya lang sa pagba-basketball matapos ang halos 17 years.

READ: Doug Kramer reveals reason why he retired from PBA

“Nung sinabi niyang magre-retire siya, sabi ko wag muna. Kasi sobrang strong pa siya. Tapos he’s doing well naman in his team,” kuwento ni Cheska.