• Home
  • Fresh Scoops
  • Carmina Villaroel, ipinaliwanag ang pagkakaudlot ng role sa ‘The Heiress’

Carmina Villaroel, ipinaliwanag ang pagkakaudlot ng role sa ‘The Heiress’

Si Sunshine Cruz na ang pumalit sa role ni Carmina Villaroel sa horror movie ng Regal films.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/4/2019 4:19 PM
Carmina Villaroel, ipinaliwanag ang pagkakaudlot ng role sa ‘The Heiress’


Tila hindi na big issue para sa TV host-actress na si Carmina Villaroel ang pagkakaudlot niya sa pelikulang “The Heiress” ng Regal Films.

Kuwento ni Carmina, sanay na siya sa mga ganitong pagkakataon na nagpapalit ng casting sa mga proyekto.

"Ako hindi naman na ako nagugulat na, matagal na ako sa industriya, minsan nga nag-shooting ka na pero napapalitan ka pa eh, what more pa kaya ito,” ani Carmina sa panayam sa “Sunod” media conference na bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival.

Aminado naman ang TV host-actress na may kaunting panghihinayang siya sa proyekto.

“Ang sa akin lang sayang naman kasi parang I was looking forward to it, sobrang excited ako na makatrabaho si Ate Maria, first time ko with Janella, but no hard feelings,” saad pa niya.

READ: Carmina Villarroel nakiusap na ‘wag sila ikumpara ni Kris Aquino

Naniniwala rin si Carmina na may darating pang pagkakataon at susunod na proyekto para sa kanya ang Regal films.

“I think there's a misunderstanding, i don't know if its misunderstanding pero na weirdohan lang ako na it was offered to me, nagkaroon ng story conference, na-interview na kami, we are about to shoot, but hindi lang nagka agree-han na ang weird. Pero it happens," pahayag pa niya.

WATCH: Teaser trailer of Metro Manila Film Festival entry ‘Sunod’

Sa ngayon, looking forward si Carmina sa kanyang pagbabalik sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pelikulang “Sunod” ng TEN17 Productions.