• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban nagbigay advice sa mga nawawalan ng ‘spark’ sa relasyon

Angelica Panganiban nagbigay advice sa mga nawawalan ng ‘spark’ sa relasyon

Para kay Angelica Panganiban, nakasalalay ang sarili mong kaligayahan sa iyong sarili.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/4/2019 3:58 PM
Angelica Panganiban nagbigay advice sa mga nawawalan ng ‘spark’ sa relasyon


Suki na si Angelica Panganiban sa pagbibigay ng love advice para sa mga netizens na namroroblema tungkol sa kani-kanilang buhay pag-ibig at sa ikatlong season ng “Ask Angelica,” sinagot niya muli ang ilan sa mga katanungan ng netizens.

Isa sa mga naging katanungan para sa “Hugot Queen” ay, “Kapag wala nang spark, it means kailangan nang sumuko sa relasyon?”

Ipinaliwanag naman ng Unbreakable star na malawak ang salitang ‘spark’ pagdating sa love life.

“‘Yung happiness ng isang tao, hindi mo ‘yun responsibilidad. Hindi mo responsibilidad na pasayahin ang partner mo. Siya ‘yung may responsibility sa own happiness niya. At dapat, responsible ka rin with your own happiness,” ani Angelica.

“Kapag dalawang tao kayong masaya, ‘pag na-combine niyo ‘yun, magiging sobrang saya kayo. Magiging okay ang lahat, kahit malayo pa kayo sa isa’t isa,” dagdag pa niya.

Dagdag ni Angelica, importante talagang maging masaya ka muna sa sarili mo bago ka maging masaya kasama ang ibang tao.

“Dapat, make sure na masaya ka pa rin sa sarili mo at sa mga bagay na ginagawa mo, before questioning kung may spark pa ba ‘yung relationship, or may happiness pa sa relationship niyo.”

Ipinalabas ang unang season ng online segment niya noong 2016 kasabay ng pelikula niyang The Unmarried Wife at second season noong 2018 kasabay din ng pelikula niyang Ang Dalawang Mrs. Reyes.