• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiray Celis talks about a past relationship: ‘Yung taong mahal ko, binabalewala ako’

Kiray Celis talks about a past relationship: ‘Yung taong mahal ko, binabalewala ako’

Kiray Celis shares her thoughts on learning and moving on from heartbreak.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/31/2019 11:05 AM
Kiray Celis talks about a past relationship: ‘Yung taong mahal ko, binabalewala ako’


Photo credit: @kiraycelis on Instagram

Just a few days after admitting she is now in a relationship with her non-showbiz boyfriend Stephan Estopia, Kiray Celis made a lengthy post sharing what she went through during her last relationship where she felt hurt and betrayed. The 24-year-old actress did not pinpoint who exactly she was referring to, although she posted couple photos with the guy’s image blocked out.

She wrote:

“Para sa mga taong nasaktan at niloko... MAKAKARELATE KAYO DITO!

MALING TAO

Paano nga ba malalaman kapag mali ang tao?

Kapag ba, binigay mo na lahat pero hindi parin nakuntento? Pinatawad mo na hindi parin natututo? Pinapayagan mo na sa lahat pero nambababae parin at nagloloko? Nako! Habang maaga, magisip kana dahil sayang ang oras mo. Sige eto ang aking kwento.. Isang araw nagmahal ako. Pangarap ko na sana, siya yung una at huling tao sa buhay ko. Kaso nauubos rin pala ang pasensya no? Akala ko nga UNLI to. Pero napagod rin ako.

Oo naging masaya ako. Binigay lahat ng bagay na gusto ko. Kahit anong hilingin ko. Pero kapalit pala nun, sakit ng puso ko. Kaya napaisip ako.. Nasakin nga lahat.. pero yung taong mahal ko, binabalewala ako. Sunod sa uso na mga gamit. Pero yung tunay na pagmamahal hindi ko makamit. Ang sakit.

Dumating na nga sa punto na, hindi ko na kilala ang sarili ko. Na kahit alam kong mali, patuloy akong lumalaban kasi mahal ko yung tao.

Pero sa relasyon pala, dalawa kayo. Kahit gaano ka ka sweet, ka honest, ka loyal at kabait, kailangan pala hindi nawawala yung respeto. Yun ang pinaka importanteng natutunan ko.

Kaya sa lahat ng taong napunta sa maling tao, pagsubok lang lahat ng ito. Kagaya ko, nanggaling ako sa umiiyak gabi gabi. Pero ngayon wala ng mapaglagyan ang saya at ang ngiti ko. Wag mo pagsisihan lahat ng ginawa mo sa maling tao. Kasi dun ka matututo. Dun ka magiging malakas, para pagdumating yung tamang tao, ikaw yung pinaka matapang kasi deserve mo. ️

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Para sa mga taong nasaktan at niloko... MAKAKARELATE KAYO DITO! MALING TAO Paano nga ba malalaman kapag mali ang tao? Kapag ba, binigay mo na lahat pero hindi parin nakuntento? Pinatawad mo na hindi parin natututo? Pinapayagan mo na sa lahat pero nambababae parin at nagloloko? Nako! Habang maaga, magisip kana dahil sayang ang oras mo. Sige eto ang aking kwento.. Isang araw nagmahal ako. Pangarap ko na sana, siya yung una at huling tao sa buhay ko. Kaso nauubos rin pala ang pasensya no? Akala ko nga UNLI to. Pero napagod rin ako. Oo naging masaya ako. Binigay lahat ng bagay na gusto ko. Kahit anong hilingin ko. Pero kapalit pala nun, sakit ng puso ko. Kaya napaisip ako.. Nasakin nga lahat.. pero yung taong mahal ko, binabalewala ako. Sunod sa uso na mga gamit. Pero yung tunay na pagmamahal hindi ko makamit. Ang sakit. Dumating na nga sa punto na, hindi ko na kilala ang sarili ko. Na kahit alam kong mali, patuloy akong lumalaban kasi mahal ko yung tao. Pero sa relasyon pala, dalawa kayo. Kahit gaano ka ka sweet, ka honest, ka loyal at kabait, kailangan pala hindi nawawala yung respeto. Yun ang pinaka importanteng natutunan ko. Kaya sa lahat ng taong napunta sa maling tao, pagsubok lang lahat ng ito. Kagaya ko, nanggaling ako sa umiiyak gabi gabi. Pero ngayon wala ng mapaglagyan ang saya at ang ngiti ko. Wag mo pagsisihan lahat ng ginawa mo sa maling tao. Kasi dun ka matututo. Dun ka magiging malakas, para pagdumating yung tamang tao, ikaw yung pinaka matapang kasi deserve mo. ❤️

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on