Ivana Alawi, nairita sa kaniyang lumang video

Binalikan ni Ivana Alawi ang kaniyang lumang video kung saan ay nagpa-makeup siya sa kaniyang nakababatang kapatid na si Mona.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/31/2019 12:50 PM
Ivana Alawi, nairita sa kaniyang lumang video


Pinagbigyan ng celebrity YouTuber na si Ivana Alawi ang kaniyang mga fans sa kaniyang bagong vlog, kung saan ay nag-react siya sa kaniyang lumang video.

Sa video na pinost niya nitong Lunes, December 30, tinawanan at "nairita" si Ivana habang pinapanaood ang makeup video nila ng kapatid na si Mona.

Orihinal na naka-upload ang naturang makeup video noong 2012, sa dating YouTube channel ni Ivana na 'Maria G'.

Paliwanag ni Ivana, bago pa lamang siya sa Pilipinas mula sa Bahrain, nang gawin nila ni Mona ang naturang vlog. Kaya kung mapapansin ay may accent pa ang pagsasalita ng ingles ni Ivana na 15 years old pa lamang noon.

"E talagang magbabago ang itsura ko [dumaan] ako sa puberty e. Hindi niyo ba nadaanan 'yon? Dami ko ngang mas malala pa, yung jejemon days..." paliwanag ni Ivana na tinutukoy ang mga namba-bash sa kaniya dahil sa malaking pagbabago sa kaniyang itsura ngayon.

Bago matapos ang bagong vlog, muling ipinaliwanag ni Ivana na wala siyang pinaretoke sa kaniyang katawan, maging ang kaniyang dibdib. Hindi rin maputi ang kaniyang balat noon dahil sa kaniyang swimming trainings noong bata siya.

Isa si Ivana sa mga celebrity vloggers na pumatok sa taong 2019. Sa loob lamang ng apat na buwan, lumago ang subscribers ni Ivana na ngayon ay umabot na ng 3.32 million.