• Home
  • Fresh Scoops
  • Di din inaasahan ni direk Crisanto Aquino na hahakot ng maraming awards ang ‘Write About Love’

EXCLUSIVE: Direk Crisanto Aquino, inaming nagulat sa pagkapanalo ni Yeng Constantino bilang Best Supporting Actress

Di din inaasahan ni direk Crisanto Aquino na hahakot ng maraming awards ang ‘Write About Love’

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/31/2019 12:23 PM
EXCLUSIVE: Direk Crisanto Aquino, inaming nagulat sa pagkapanalo ni Yeng Constantino bilang Best Supporting Actress

Napakagandang experience para kay Direk Crisanto Aquino na ang debut film niya sa TBA Studios na Write About Love (cast: Yeng Constantino, Miles Ocampo, Joem Bascon, and Rocco Nacino) ay nanalo ng mga awards sa 45th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal held last December 27.

Walong awards ang nakuha ng pelikulang Write About Love. Winner ang pelikula ng Best Musical Score (Jerrold Tarog), Best Original Song (Crisanto Aquino, “Ikaw Ang Akin”), Best Editing (Vanessa de Leon), Best Screenplay (Crisanto Aquino and Janyx Regalo), Special Jury Prize—Full Length, at Second Best Picture.

Nanalo rin ng acting award para sa Write About Love sina Joem Bascon (Best Supporting Actor) at Yeng Constantino (Best Supporting Actress).


“Di pa rin po ako makapaniwala until now. Parang panaginip lang ang lahat. Dumalo ako ng awards night nang di umaasa dahil magaganda po ang line-up ng MMFF at mga iniidilo ko po mga makakalaban ko. Kaya po wala akong ni-ready kahit anong speech,” pahayag ni Direk Cris sa exclusive interview sa kanya ng PUSH.

Patuloy pa niya, “Sobrang nagpapasalamat po ako sa TBA Studios sa pagtitiwala. Sa MMFF jurors na nagbigay ng mga pagkilala sa aming munting pelikula. Masaya ako para kay Yeng at Joem, kay Miles at Rocco na na-nominate din.

“Noong marinig ko na nominated ako, kami, sobrang natuwa na ako, at yung pagkakapanalo ay sobrang malaking sorpresa at pasasalamat sa lahat ng nakasama ko na bumuo ng pelikulang ito.”

Nagbigay din ng reaksyon ang director tungkol sa naging resulta sa box-office ng pelikula na as we all know ay na-pull out na sa ilang sinehan.

“Lumalaban pa rin po kame. Laban lang!” sambit niya.

“Isa sa dahilan kung bakit namin ito pinasa sa MMFF ay para magkaroon kami ng pagkakataon na maabot ang mas malawak na audience, para mabigyan sila ng magandang pelikula na magugustuhan nila at pwede nilang ipagmalaki bilang Pilipino.

“Sabi nga nga ni Sir Ed Rocha ‘The Filipinos deserve good movies.’Umaasa pa rin po kami na dahil sa mga awards na nakuha ng Write About Love ay magiging validation ito ng mga audience na di sila magsisi pagpinanood nila ito. Para po sa kanila ito, dahil mahilig tayo sa mga love stories alam kong magugustuhan nila at makakarelate sila dito.”

May panawagan din ang Write About Love director sa moviegoers.

“Nananawagan po ako sa ating mga kapwa Pilipino na bigyan ng pagkakataon ang aming pelikulang Write About Love. Sana po ay madagdagan pa ang mga sinehan at sana po pasukin pa ito ng mga moviegoers. Lalaban pa rin po kame,” wika pa ni Direk Cris.

Aminado naman ang director na ikinagulat niya ang pagkapanalo ni Yeng bilang Best Supporting Actress.

“Yes! Nagulat ako. Nung nanominate sya nagulat talaga ako!” pag-amin pa niya.

“Magaling si Yeng sa aming pelikula, kampante ako dun pero di ko pa kasi napapanood yung ibang entries kaya wala akong batayan kung may laban siya. Kaya nung nanalo siya, ‘Ay Diyos ko!’ Di talaga ako makapaniwala.

“Masaya ako kay Yeng dahil di siya ordinaryong artista, isa siyang totoong artist na mahal ang craft niya,” lahad pa niya.

Samantala, sa kalagitnaan ng 2020 ay may gagawin ulit na pelikula si Direk Cris sa TBA pero Hindi muna siya nagbigay ng detalye sa PUSH tungkol dito.