Nakangiting naka-pose sa larawan ang Pinoy Big Brother OTSO Big Winner na si Yamyam Gucong kasama ang kaniyang ama at ang bagong biling sasakyan.
Sa Instagram post ng komedyante nitong December 27, sinabi niya na isang christmas blessing ang bagong sasakyan.
“Blessing sa Christmas,” ayon sa caption ni Yamyam.
Agad namang nag-congratulate ang mga kapwa PBB OTSO housemates niya sa comment section, tulad nila Kiara Takahashi, Lou Yanong, at Margo Midwinter.
READ: PBB: Otso big winner Yamyam Gucong, hiling ang agarang paggaling ni Fumiya Sankai
Mapapanood si Yamyam bilang isa sa mga cast ng sitcom na Home Sweetie Home: Extra Sweet, kung saan ay kasama niya ang kaniyang 'spiritual brother' na si Fumiya Sankai.