Yamyam Gucong, ibinida ang kanyang brand new car

Masayang ibinida ng Pinoy Big Brother OTSO Big Winner na si Yamyam Gucong ang kaniyang bagong biling sasakyan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/30/2019 9:10 AM
Yamyam Gucong, ibinida ang kanyang brand new car


Photo credit: @gucongyamyam on Instagram

Nakangiting naka-pose sa larawan ang Pinoy Big Brother OTSO Big Winner na si Yamyam Gucong kasama ang kaniyang ama at ang bagong biling sasakyan.

Sa Instagram post ng komedyante nitong December 27, sinabi niya na isang christmas blessing ang bagong sasakyan.

“Blessing sa Christmas,” ayon sa caption ni Yamyam.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Blessing sa Christmas🎁🎁🎁

A post shared by Yamyam Gucong (@gucongyamyam) on

 

Agad namang nag-congratulate ang mga kapwa PBB OTSO housemates niya sa comment section, tulad nila Kiara Takahashi, Lou Yanong, at Margo Midwinter.

READ: PBB: Otso big winner Yamyam Gucong, hiling ang agarang paggaling ni Fumiya Sankai

Mapapanood si Yamyam bilang isa sa mga cast ng sitcom na Home Sweetie Home: Extra Sweet, kung saan ay kasama niya ang kaniyang 'spiritual brother' na si Fumiya Sankai.