• Home
  • Fresh Scoops
  • Nilahad ni Bela Padilla ang mga dahilan kung bakit mas nae-enjoy niya ang pagso-solo travel.

Bela Padilla, bakit nga ba nahihilig sa pagso-solo travel?

Nilahad ni Bela Padilla ang mga dahilan kung bakit mas nae-enjoy niya ang pagso-solo travel.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/30/2019 10:56 AM
Bela Padilla, bakit nga ba nahihilig sa pagso-solo travel?
Photo credit: @bela on Instagram

Ipinaliwanag ng Miracle In Cell No. 7 actress na si Bela Padilla ang personal niyang dahilan kung bakit mas pinipili niyang mag-travel nang mag-isa. 

Sa kaniyang interview sa PUSH Bets Live, ibinahagi ni Bela "Iba kasi yung experience when you have with you. Siyempre the best option is to have someone with you na kapareha mo ng mga hilig, para you don't compromise what you wanna do on a trip."

Dagdag ng aktres, nae-enjoy niya rin ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan sa kaniyang mga travels. 


I feel the joy in travelling alone is meeting new people as well, when you make friends along the way, kaya naa-attract ako doon sa idea of travelling alone. I like kasi talking to new people, start conversations," paliwanag niya. 

Sa kaniyang Instagram, makikita na huling nagpunta mag-isa si Bela sa Estonia.. Ayon sa kaniya, plano niya pang libutin ang Europe sa susunod niyang travel sa Greece.

LOOK: TRAVELS IN TALLIN: Bela Padilla travels to the capital of Estonia

Bukod sa kanyang solo travels, proud si Bela sa kaniyang bagong pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival na Miracle In Cell No. 7. Ayon sa aktres, masaya siyang muling nakasama sa naturang film festival na naging bahagi na ng kultura ng mga Pilipino tuwing Pasko. 

"Inaabangan ito every year kung ano ang mga entries. And I'm happy na we've decided to make Miracle In Cell No. 7, because it's very different. Hindi siya yung tipikal na napapanood natin over the years na fantasy or comedy or horror or action.

"I remember when I was young kapag napapanood mo sa TV ang mga Filipino movies it's very heartwarming like Tanging Yaman. Feeling ko through Miracle in Cell No. 7, we can bring that genre back," pahayag ng aktres. 

Panoorin ang buong interview ni Bela dito: