• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz on life before annulment: “13 years na ayaw ko magpaganda”

Sunshine Cruz on life before annulment: “13 years na ayaw ko magpaganda”

Sunshine Cruz reveals the importance of forgiving and moving on.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

12/3/2019 10:53 AM
Sunshine Cruz on life before annulment: “13 years na ayaw ko magpaganda”


After having a very good year in terms of her personal and professional life, Sunshine Cruz said she is thankful for her life right now. “God has been very, very good to me talaga after ng lahat ng mga sakripisyo. Yan ang sinasabi ko sa mga anak ko, ‘Huwag lang tayo mang-aapak ng tao or mang-aapi o manloloko, nandiyan lang eh. Hindi naman natutulog si God and talagang i-be-bless ka niya.’ And I think I may be doing something right in my life na talagang sobrang generous ni God sa amin ng mga bata. So lahat naman is falling into place,” she shared.

Before the annulment of her marriage with Cesar Montano, Sunshine said she lived a very different life. “Kasi nga 13 years na ayaw ko magpaganda eh. Umikot na yung mundo ko sa pamilya ko, sa mga anak ko at sa ex ko. So nung nahiwalay ako, that was the time that I realized that if I want people to love me or I want someone to love me, I should love myself more. Ako muna. So that was the time that I gave my life a chance na sarili ko naman muna ang intindihin ko. Mahalin ko ang sarili ko, mag-ehersisyo ako, magpaganda ako, magpakulay ako ng buhok. Kasi hindi ako nagpapakulay ng buhok eh. Kahit marami akong uban papabunot ko lang yan. Pero ngayon nagpapakulay na ako ng buhok, nagpapaderma na ako, nag-e-exercise na ako, lahat ginagawa ko yung mga bagay na hindi ko nagawa before. So hindi totoo yung pag naghiwalay ka magpapabaya ka sa sarili mo. No, lalo mo nga dapat bigyan ng halaga ang sarili mo. Kailangan ng love ng sarili mo. So ingatan mo at alagaan mo lalo ang sarili mo so that people will also love you,” she explained.

Forgiveness is a big part of her process of moving on according to Sunshine. She dismissed possibility of working with her ex-husband in the future. “Of course. Lagi naman dapat tayong matutong magpatawad kasi we won’t be able to move forward if we don’t know how to forgive. Abay kung merong hihingi ng tawad magbibigay naman ako ng kapatawaran. Pero I don’t want to talk about that and I don’t want to talk about him. I’ve moved on so let’s see na lang. Pero sa ngayon parang ayoko munang pag-usapan,” she said.

Now that she is happy with her new stage in life, Sunshine said she still welcomes difficult challenges. “I believe na habang may buhay ka may darating pa ring pagsubok sayo. My mom is 70 years old hanggang ngayon may stress pa rin siyang nakukuha. So I think talagang yung everyday is a learning process. Expected ko naman na may darating na pagsubok sa akin pero alam ko na kakayanin ko with God’s help of course. Lagi namang kung may dumarating sa akin, it makes me stronger. Mas natututo ako. Yun ang mahalaga. Na kung meron mang pagkakamali na nangyari sa atin, pero sa huli naman meron tayong matututunan sa pagkakamali natin,” she shared.

Aside from raising three lovely daughters, Sunshine said that she is enjoying performing again on a regular basis. “Mga kids ko are all very, very nice kids. They’re smart and they love and respect me. And hindi ako nawawalan ng trabaho talaga. Yun ang importante.  Aside from meron pang mga endorsements, meron pang pumapasok na PAGCOR shows. Singer na rin ako di ba? So nakakatuwa na at least yung talent ko sa singing na nung sa school pa lang lagi akong nag-ko-compete at nananalo, ngayon na she-share ko sa iba. Sabi ko nga, kung buhay siguro yung papa ko masayang masaya siya kasi he has always dreamt na maging singer talaga ako. So ngayon kumakanta na ako. Ang dami kong shows sa PAGCOR. Series of shows and laging puno so nakakatuwa talaga,” she added.