• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino, sinabing hindi rin sumang-ayon ang asawang si Yan Asuncion sa kanyang naging kontrobersyal na vlog.

Yeng Constantino inaming di sang-ayon ang asawang si Yan Asuncion sa kanyang ‘Siargao’ vlog

Yeng Constantino, sinabing hindi rin sumang-ayon ang asawang si Yan Asuncion sa kanyang naging kontrobersyal na vlog.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/28/2019 01:34 PM
Yeng Constantino inaming di sang-ayon ang asawang si Yan Asuncion sa kanyang ‘Siargao’ vlog

Hindi nakaligtas sa kontrobersiya si Yeng Constantino ngayong taon matapos niyang ilabas ang kanyang vlog entry tungkol sa kanyang naging bakasyon sa Siargao kung saan naaksidente ang asawa niyang si Yan Asuncion at pinangalanan ang doktor na nakausap niya noon.

Read: Yeng Constantino, ikinwento ang traumatic experience kasama ang asawa sa Siargao

Sa panayam naman niya sa Tonight with Boy Abunda, inamin niyang sa loob ng mahigit isang dekada niya sa industriya ay itinuturing niyang ‘lowest point’ ang kinasangkutang kontrobersiya.


“I think that was the lowest point na naranasan ko in 13 years sa career ko. I felt at that time na the world was against me and I have to open my eyes to really see clearly kung sino ‘yung mga taong nandoon para sa akin to not feel sobrang awang-awa sa sarili,” aniya.

Sa panahong iyon ay napagtanto ng singer na mas na-appreciate niya ang mga tao sa kanyang paligid at inaming hindi raw naging sang-ayon si Yan sa desisyon nitong i-post ang kanyang vlog.

“Honestly hindi siya agree sa ginawa ko but ako para akong mother bear, parang sobrang gusto kong maipaglaban kahit minsan alam mo ‘yun may nagagawa tayo na mali dahil sa may gusto tayong ipaglaban,” paliwanag niya.

“Inintindi niya ako pero after ‘yun sinabi niya talaga ‘Alam mo love, kung ako pipiliin gusto kitang pigilan pero gusto kitang bigyan ng kalayaan to do what you want pero I wish na pinigilan kita kasi ‘yung hurt na na-feel mo parang ayaw kong ma-feel mo ‘yun’ so ano talaga nag-mature ‘yung relationship namin,” dagdag pa niya.

Matapos pumutok ang isyu noon ay kaagad na humingi ng paumanhin ang Tawag ng Tanghalan hurado.

Read: Yeng Constantino apologizes to medical team of Siargao hospital

“Yung mga recent posts ko was brought about by my high emotions dahil sa nangyari sa aking asawa whose life at that time I thought was in grave danger,” paliwanag noon ni Yeng.