• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Sana pantay kayo sa pagtrato sa lahat ng pelikula,’ alma ni Marietta ‘Pokwang’ Subong sa mga sinehang tumigil sa pagpapalabas ng ‘Culion’ at ‘Mindanao’ habang nasa kasagsagan ng MMFF.

Pokwang, nanawagan sa mga sinehang tumigil sa pagpapalabas ng ‘Culion’ at ‘Mindanao’

‘Sana pantay kayo sa pagtrato sa lahat ng pelikula,’ alma ni Marietta ‘Pokwang’ Subong sa mga sinehang tumigil sa pagpapalabas ng ‘Culion’ at ‘Mindanao’ habang nasa kasagsagan ng MMFF.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/28/2019 12:48 PM
Pokwang, nanawagan sa mga sinehang tumigil sa pagpapalabas ng ‘Culion’ at ‘Mindanao’

Nanawagan sa mga sinehan at Metropolitan Manila Development Authority ang aktres na si Marietta Subong o mas kilalang Pokwang, nang malamang may ilang teatro ang tumigil sa pagpapalabas ng pelikulang kasapi sa MMFF (Metro Manila Film Festival). 

Ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang social media pages nitong Biyernes, December 27, ang mahabang panawagan na sana ay ibalik at bigyan ng oras ang mga pelikulang tulad ng Culion at Mindanao.

"Nakakalungkot naman ang asal ng karamihan ng sinehan sa 'Pinas!! 'Wag naman tayo puro sa pera lang kasi di naman natin madadala sa hukay yan!


"Tao po... MMDA Head Office, magkaroon sana kayo ng dialogue with mga sinehan or agreement na sana yung mga pelikulang kagaya ng Culion at Mindanao ay bigyang prioridad din at wag alisin agad sa sinehan para lang mas kumita kayo,” ayon sa kaniyang Facebook post.

Sa kabila ng pagiging isa sa mga cast ng kalabang pelikula na Mission Unstapabol: The Don Identity, naniniwala si Pokwang sa kahalagahan ng pelikulang tulad ng dalawang nabanggit.

Mindanao wins big at the 45th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal

"Wag nyong alisin at burahin sa isipan ng henerasyon ngayon ang kwento ng ating lahi! History yan, ika nga, ano ba kayo???"

"Hindi ako nagpapakamatalino or nagpapanggap na honor student pero kasi nakakaawa naman din mga ganitong pelikula na pinaghirapan din naman at ginastusan ng mga producers na maliliit, ika nga.

"Kahit tig-isang sinehan lang sana sa bawat mall nation wide, sana next time ang hindi mag-participate na sinehan ay wag din lagyan ng mga malalakas na movie! Yung mga mall lang na hindi swapang ang lagyan haahhaa

"Sana pantay kayo sa pagtrato sa lahat ng pelikula tuwing festival, once a year lang ito.

"Hoy, ano ba!! Konting sakripisyo naman para sa kwento ng bayan, hindi ng inyong kaban,” 

 

 

Maaalalang unang nagbigay ng kaniyang dismaya ang Culion actress na si Jasmine Curtis-Smith tungkol sa maaagang pag-aalis ng pelikula sa mga sinehan. 

 

 

 

 

Five reasons ‘Culion’ should be one of your must-see films in this year’s MMFF

Kasama sa mga pelikulang kalahok ng MMFF 2019 ay ang The Mall The Merrier, Write About Love, 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, at Sunod.