• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa kaniyang Twitter game na #AskCaloy, pinangalanan ng gymnastic star na si Carlos Yulo si Andrea Brillantes bilang kaniyang celebrity crush.

Pinoy Gymnast Carlos Yulo, pinangalanan si Andrea Brillantes bilang kaniyang celebrity crush

Sa kaniyang Twitter game na #AskCaloy, pinangalanan ng gymnastic star na si Carlos Yulo si Andrea Brillantes bilang kaniyang celebrity crush.

BY
Edo Daria

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

12/28/2019 12:35 PM
Pinoy Gymnast Carlos Yulo, pinangalanan si Andrea Brillantes bilang kaniyang celebrity crush

Game na game sa pagsagot sa mga tanong ng kaniyang fans ang gold medalist na Filipino gymnast na si Carlos Yulo. 

Sa kaniyang pinasimulan na Twitter game na #AskCaloy, isa-isang sumagot ang atleta sa mga tanong tulad ng celebrity crush, favorite OPM band, favorite YouTuber at iba pa.

Sa isang tanong tungkol sa kaniyang celebrity crush, pinangalanan ni Carlos ang Kadenang Ginto star na si Andrea Brillantes o kilala ring Blythe.


 

 

Binanggit niya rin ang Eraserheads at Parokya ni Edgar, bilang mga paborito niyang OPM bands, habang si Cong TV naman ang kaniyang favorite YouTuber.

 

 

 

 

Sa hiwalay na post, nagpahiwatig rin si Caloy sa posibilidad ng paggawa ng sariling vlog channel.

 

 

READ: Filipino gymnast Carlos Yulo gets ‘shocked’ by Mark Bautista’s message

Si Carlos ang kauna-unahang Pilipinong atleta na nag-uwi ng gold medal mula sa World Artistic Gymnastics Championship, noong October 2019.