• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa paglalagay lamang ng mga tigsi-singkwenta, bente at piso ay umabot sa P40,000 ang naipon ni Ryza Cenon sa kanyang jar o alkansya.

TINGNAN: Ryza Cenon, naka-ipon ng P40,000 sa paghuhulog lamang sa kanyang alkansya

Sa paglalagay lamang ng mga tigsi-singkwenta, bente at piso ay umabot sa P40,000 ang naipon ni Ryza Cenon sa kanyang jar o alkansya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/27/2019 01:23 PM
TINGNAN: Ryza Cenon, naka-ipon ng P40,000 sa paghuhulog lamang sa kanyang alkansya
Photo credit: @iamryzacenon IG

Nagsilbing inspirasyon sa kanyang libo-libong fans ang aktres na si Ryza Cenon matapos nitong ibida ang kanyang naipong pera bago magtapos ang taon.

Sa paglalagay lamang ng mga tigsi-singkwenta, bente at piso ay umabot sa P40,000 ang naipon ni Ryza Cenon sa kanyang jar o alkansya.

Sa Instagram nitong Martes, ibinahagi ng "The General's Daughter" star na nakapag-tabi siya ng ganoon halaga sa loob lamang ng sampung buwan. 


"Naka-40K ako! Next year ulit! Game kayo? Sarap ng feeling na may ipon bago matapos ang taon! Merry Christmas & Happy New Year sa inyong lahat!" ani Ryza sa caption ng video kung saan makikitang binibilang niya ang naipong tigsi-singkwenta, bente, at piso.

Sa comments, marami sa kanyang followers ang hindi mapigilang humanga kay Ryza at ma-enganyo na mag-ipon din sa pagpasok ng bagong taon.

"Wow! Gayahin ko din to. Nakaka inspire. Hehe," tugon ng isang user.

"Wow gawin kona this 2020," ani naman ng isa pang netizen.

Panoorin ang video rito: