• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, iginiit na wala silang acting showdown ni Iza Calzado sa MMFF

Judy Ann Santos, iginiit na wala silang acting showdown ni Iza Calzado sa MMFF

Para kay Iza Calzado, ‘Pasko’ nang maituturing ang mahanay sa isang Judy Ann Santos.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/27/2019 12:38 PM
Judy Ann Santos, iginiit na wala silang acting showdown ni Iza Calzado sa MMFF


Matunog ngayon ang pangalan nina Iza Calzado at Judy Ann Santos dahil dalawa sila sa napupusuan ng masa na manalo ng Best Actress Award.

Bida si Iza sa pelikulang Culion samantalang bida rin si Judy Ann sa pelikulang Mindanao kung saan nakatanggap na siya ng Best Actress Award sa idinaos na Cairo International Film Festival.

READ: Judy Ann Santos wins Best Actress award at the 41st Cairo International Film Festival

Parehong pasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang dalawang pelikula at para sa Starla lead actress, wala namang kompetisyon sa kanila ni Iza.

“Lahat kami nagtrabaho kami ng buong puso and sapat na ‘yun hindi na kailangan magsabi na ‘Dapat siya si Best Actress dapat siya si Best Actor.’ Lahat dito Best Actress lahat ng performers or celebrities na gumawa ng pelikula gave their 110[percent] effort para makagawa at makabuo ng isang magandang pelikula,” ani Judy Ann sa kanyang naging panayam sa TV Patrol.

Para naman kay Iza, hindi naman niya itinatangging nasisiyahan siya dahil ‘Pasko’ na raw na maituturing na mahanay sa isang Judy Ann Santos.

“Napaka hypokrita ko naman kung sasabihin kong hindi ko ikaliligaya ‘yun pero kahit anong mangyari masaya na ako. I think ‘yung sa akin, maihanay mo lang ako kay Judy Ann, Pasko na ‘yun sa’kin,” ani Iza.

Kasalukuyan paring ipinapalabas sa mga sinehan ang kanilang pelikulang Culion at Mindanao.