• Home
  • Fresh Scoops
  • Pumapangalawa na sa box office ang ‘Miracle In Cell No. 7’ sa ‘The Mall, The Merrier’

Aga Muhlach sa resulta ng ‘Miracle In Cell No. 7’ sa MMFF: ‘I’m truly humbled, maraming salamat’

Pumapangalawa na sa box office ang ‘Miracle In Cell No. 7’ sa ‘The Mall, The Merrier’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/27/2019 10:53 AM
Aga Muhlach sa resulta ng ‘Miracle In Cell No. 7’ sa MMFF: ‘I’m truly humbled, maraming salamat’

Ikinagulat ni Aga Muhlach ang naging resulta sa takilya ng pelikulang Miracle In Cell No.7 sa unang araw ng 2019 Metro Manila Film Festival na nagsimula nitong Pasko, December 25.

Mahaba ang pila sa mga sinehan ng mga taong gustong mapanood ang Miracle In Cell No. 7 na ginawan ng Pinoy adaptation ng Viva Films para sa MMFF. Karamihan sa mga nanood ay curious kung bakit naging box-office hit sa Korea ang naturang pelikula noong 2013.

Dahil sa success ng movie ay nag-post din si Aga ng kanyang pasasalamat using his Instagram accout na @agamuhlach317.


“I am truly humbled. Maraming salamat talaga sa inyong lahat! Daghang salamat sa napakalaking himala na ito. #miraclesdohappen #noodnapo”

Nagsagawa rin ng theater tour si Aga on the second day of the festival para personal na pasalamatan ang mga taong tumangkilik ng kanyang pelikula. Ang Miracle In Cell No. 7 ay pumapangalawa sa pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis na The Mall, The Merrier sa MMFF.

Sa isang post ni Aga, ibinahagi nito ang reaksyon ng isang netizen na napanood ang Pinoy version ng   at ang Koreanversion ng pelikula.

“We did watch the Korean original version before typing this. There were parts that were better. But they were practically the same. Main difference is the Filipino version is WAY FUNNIER. So, I enjoyed the Filipino version more than the Korean one.”

Kasama ni Aga sa Miracle In Cell No. 7 ang bibong bata na si Xia Vigor, Bela Padilla, JC Santos, John Arcilla, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, at Soliman Cruz. Rated G ito ng MTRCB at Graded A ngCinema Evaluation Board.

Samantala, dahil sa tindi ng clamor ng moviegoers na interesadong mapanood nang maaga ang peikula kaya may mga theater owners na as early as 8 a.m. ay magbubukas na kaagad ang sinehan simula December 26.