• Home
  • Fresh Scoops
  • Emosyonal na nag-iwan ng mensahe si Anne Curtis para sa kaniyang baby girl.

Anne Curtis at Erwan Heussaff, may listahan na ng pangalan para sa paparating nilang baby girl

Emosyonal na nag-iwan ng mensahe si Anne Curtis para sa kaniyang baby girl.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/26/2019 02:54 PM
Anne Curtis at Erwan Heussaff, may listahan na ng pangalan para sa paparating nilang baby girl
Photo credit: @annecurtissmith IG

Sa episode ng Magandang Buhay nitong Pasko, ibinahagi ng soon-to-be mommy na si Anne Curtis ang mga pinagdadaanan niya kaniyang pitong buwang pagbubuntis ngayon.

"Actually ngayon ko lang naiintindihan yung mga sinasabi ng mga mommies na 'Hindi mo alam yung pinagdaanan ko sa'yo.' Ngayon ko na naiintindihan yon.

"Ang pagbubuntis ay isang change talaga sa lifestyle ng isang babae. Sa katawan, mentally, emotionally, ang daming pagbabago talaga, kaya dapat ma-appreciate talaga ng mga anak ang kanilang mga nanay," pahayag ng aktres na opisyal nang tinatawag ang sarili bilang 'momshie'.


Ito na ang huling TV appearance ni Anne bago siya tuluyang mag-break sa trabaho.

READ: Anne Curtis shoots last episode of “It’s Showtime” before going on maternity leave

Ayon kay Anne, ang pagiging misis at ina ang pinaka-kina-e-excite niya sa kaniyang journey ngayon.

"Now it's happening, this is probably the biggest dream come true for me. So excited akong tahakin yung journey na ito. Alam kong hindi siya magiging madali. Happy lang ako na ang daming taong nagbibigay sa akin ng advice kung paano iha-handle talaga," pahayag ni Anne.

Aminado si Anne na napa-aga sa plano ang pagdating ng unang baby nila ni Erwan. Gayunpaman, hindi ito pinagsisisihan ng mag-asawa dahil para sa kanila, tinuturing nila itong 'blessing'.

"Hindi ako magko-complain, na nangyari siya nang mas maaga, na wala sa plano. Sabi nga ni Erwan na 'It's a blessing na hindi siya planado, pero gusto namin,'" paliwanag ni Anne.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Merry Christmas from our growing family to yours. 👶🏻

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

 

Samantala, nang tanungin kung may pangalan na silang nakahanda para sa pagdating ng kanilang baby girl, "Doon kami nahihirapan. Ang hirap magdecide ng name. It's either mayroon kang magugustuhan tapos 'Ay may ibang taong may gano'n yung pangalan,’" kuwento ni Anne.

Dagdag ng The Mall, The Merrier actress, patuloy ang paglilista nila ni Erwan sa tuwing nakaka-isip sila ng pangalan.

Bago matapos ang interview ni Anne, hindi naman niya mapigilang maging emosyonal nang mag-iwan siya ng mensahe sa inaasahang unang anak.

Panoorin dito:

READ: Solenn Heussaff gives a sweet message to Anne Curtis who is also expecting a baby girl

The Mall, The Merrier ang huling ginagawang pelikula ni Anne ngayong taon. Kasama ang kaniyang matalik na kaibigan na si Vice Ganda, pinagbidahan nila ang naturang entry sa Metro Manila Film Festival.