• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Mindanao’ director Brillante Mendoza on casting Muslim actors: ‘Pilipino rin sila, walang pinagkaiba’

‘Mindanao’ director Brillante Mendoza on casting Muslim actors: ‘Pilipino rin sila, walang pinagkaiba’

Ipinaliwanag din ni Brillante Mendoza ang napansin niyang malaking pagkakaiba ng MMFF at international festivals.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

12/25/2019 10:42 AM
‘Mindanao’ director Brillante Mendoza on casting Muslim actors: ‘Pilipino rin sila, walang pinagkaiba’


Photo credits: @brillante_mendoza IG

Masayang sumama sa naganap na Metro Manila Film Festival 2019 Parade of Stars ang award-winning director na si Brillante Mendoza, nitong Linggo, December 22.

Kasama sa kumpetisyon ang kaniyang bagong pelikula na Mindanao, kung saan ay hindi pa man ipinapalabas sa Pilipinas ay nagkamit na ng dalawang parangal bilang Best Director at Best Actress (para kay Judy Ann Santos) sa Cairo International Film Festival 2019.

Nang makapanayam ng PUSH si Brillante, ipinaliwanag ng direktor kung bakit hindi siya umaasa sa parangal sa MMFF 2019.

"Siyempre dito ibang festival ito, ibang labanan ito. Mayroong mga magagandang mga pelikula [dito]. Nandidito tayo para maging isa sa mga pelikulang entries sa MMFF, at para maging masaya ang Pasko ng lahat," pahayag ni Brillante.

"Iba [dito], iba ang pagtanggap ng mga Pilipino. Iba rin yung kanilang way of appreciating films, punung-puno ng energy. Dito hindi lang sila basta gustong manood ng pelikula, they also want to be entertained. Yun ang malaking malaking kaibahan," pagpapatuloy niya.

Taong 2008, nang unang makilala si Brillante sa international film scene nang ma-nominate ang kaniyang pelikulang Serbis sa Palme d'Or ng Cannes Film Festival. Isang taon ang makalipas, ganap na pinarangalan siya bilang Best Director ng parehong film festival para naman sa pelikulang Kinatay.

Sa kaniyang bagong pelilang Mindanao, naging bukas ang direktor sa pagkuha ng mismong Muslim actors para gumanap dito.

Nang tinanong kung ano ang naging challenges sa kaniyang pagpili ng mga aktor, "You just have to know their culture, you have to know them. Kailangan maging sensitibo ka sa kultura nila, vision nila, kailangan kilala mo rin sila.

"Otherwise, hindi naman gano'n kahirap, kasi Pilipino rin sila wala naman silang pinagkaiba sila sa atin," paliwanag niya.

READ: Brillante Mendoza, sariling kayod sa float ng ‘Mindanao’

READ: Brillante Mendoza reveals that he wants to do movies with Vilma Santos and Sharon Cuneta

Mapapanood ang Mindanao sa December 25, kasabay ng ilan pang MMFF 2019 entries na Culion, Write About Love, Sunod, Miracle in Cell No. 7, The Mall, The Merrier, 3pol Trobol, at Mission Unstapabol.