• Home
  • Fresh Scoops
  • Joem Bascon, nagulat na marami ang kinilig sa tambalan nil ani Yeng Constantino sa ‘Write About Love’

Joem Bascon, di inakala na magiging kapalit ng tagumpay ngayon sa kanyang karera ang kanyang love life

Joem Bascon, nagulat na marami ang kinilig sa tambalan nil ani Yeng Constantino sa ‘Write About Love’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/25/2019 10:07 AM
Joem Bascon, di inakala na magiging kapalit ng tagumpay ngayon sa kanyang karera ang kanyang love life

Masaya pa ring sasalubungin ni Joem Bascon ang darating na 2020 sa kabila ng pinagdaanan nila ng long time non-showbiz girlfriend niyang si Crisha Uy.

“Happy pa rin naman ako na marami akong blessings this year. I’m very happy na napapalibutan ako ng mga supportive at mga nagmamahal na mga kaibigan sa akin – with Culion, Starla, and Write About Love. Sa lahat ng ginawa kong pelikula nagkaroon ako ng love, binibigyan nila ako ng suporta offcam.

“I’m just happy na even though may pinagdadaanan ako nirerespeto nila kung ano yung pinagdadaanan ko. And I guess, makakalagpas naman ako for 2020, na mahaharap ko siya nang maayos with all the people around me,” lahad ni Joem sa PUSH.


Hindi makapaniwala si Joem na mangyayari din pala sa kanya yung paniniwala sa showbiz na kapag maganda ang takbo ng career ng isang artista ay hindi magiging successful ang love life.

Reaksyon ng aktor, “Hindi ko nga alam na biglang nangyari… bigla palang nangyayari talaga yon. Akala ko puwede talagang makuha yung both success, both worlds. And it really happens, eh, that’s the reality of life.

“And I’m going to face it like a man kung anuman yung consequences at dapat pagdaanan. Kailangan ko lang siyang tanggapin at dapat maayos at respectful yung pagharap ko or pakikitungo kung anuman yung mangyayari.”

Ano ba ang ipinagpapasalamat niya sa 2019?

“I’m happy with all the films na ginawa ko dahil nabigyan ako ng chance to portray different roles and characters. Nagkaroon ako ng mga bagong friends na nakilala at naging barkada ko with Starla, Culion, Write About Love. I’m happy na ang dami kong nakilala at nakausap na tao.

“Happy rin ako na healthy pa rin ako kahit na rumaratsada ako sa mga pelikulang ginagawa ko. Minsan lang nga daw nangyayari itong mga ganitong bagay and I’m just very grateful and happy doo’n sa nangyari sa akin, even though yon nga, hindi talaga nagtatagumpay sa parehong mundo,” pahayag ng aktor.

Tungkol sa kanyang romcom film Write About Love, natuwa si Joem sa reaksyon ng audience na sinasabing kinikilig sila sa mga eksena nila ni Yeng Constantino sa pelikula.

“It’s my first time working with Yeng and I’m happy na very open siya, very recipient siya when it comes to acting kasi nakikinig talaga siya. Kasi acting is reacting, eh, you have to listen to your co-actors.

“So kapag kaming dalawa, nakikinig kami sa isa’t isa and I’m happy na lumalabas lang yung natural namin para sa isa’t isa. I’m happy na – grabe kung kailan ako tumanda saka pa ako magkakaroon ng partner na ganyan sa movie, na kinilig ang audience,” natatawa niyang paliwanag.

Paano ba niya ide-describe si Yeng bilang aktres?

“Yeng is a good actress. Raw pa si Yeng, as in sobrang ang daming emosyon niyang ibibigay and I’m happy na si Direk Crisanto (Aquino) ang nag-guide sa kanya when it comes to acting kasi sobrang nailabas niya yung natatagong emosyon, talento ni Yeng.

“Happy ako na siya yung naging partner ko for Write About Love. Hindi siya naging conscious, naging open lang siya at nakinig siya with everything. Binigay niya yung puso niya at yung karakter nung mga panahong ‘yon.

“Minsan kinakabahan kami kapag yung mga confrontation scene or iyakan scene kasi siyempre magkaiba kami ng proseso. Pero pag nando’n na sa eksena nagdya-jive naman kami,” huling pahayag niya sa PUSH.

Showing na simula December 25 ang Write About Love mula sa TBA Studios.