• Home
  • Fresh Scoops
  • Aga Muhlach, bakit piniling hindi panoorin ang original version ng ‘Miracle In Cell No. 7?’

Aga Muhlach, bakit piniling hindi panoorin ang original version ng ‘Miracle In Cell No. 7?’

‘Mas gusto kong gawin yung pelikula na parang atin talaga,’ ipinaliwanag ni Aga Muhlach kung bakit hindi niya pinanood nang buo ang original version ng ‘Miracle In Cell No. 7.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/25/2019 11:13 AM
Aga Muhlach, bakit piniling hindi panoorin ang original version ng ‘Miracle In Cell No. 7?’


Matapos ang mahigit dalawang dekada, muling nagbabalik MMFF (Metro Manila Film Festival) ang beteranong aktor na si Aga Muhlach, para sa Pinoy remake ng Korean movie na Miracle In Cell No. 7.

Sa kaniyang panayam sa Magandang Buhay nitong Lunes, December 23, sinabi ni Aga na matapos mabasa sa unang pagkakataon ang script ng pelikula, pinili niyang hindi panoorin original version, bilang preparasyon.

"Parang ayoko nang gano'n, mas masaya ako sa binasa ko na script. Mas gusto kong gawin yung pelikula na parang atin talaga," pahayag ni Aga.

Dagdag ng aktor, may mga eksena rin namang pinag-aralan niya habang nagshu-shoot na ng pelikula.

"From time to time while we were filming, I would watch scenes pero nili-limit ko. Kung bibilangin ko nga I only mga 6 to 8 scenes only sa buong film. Pinanood ko lang para ma-ano ko yung feel, na 'Ah ganito pala siya'," pagpapatuloy niya.

READ: Aga Muhlach, suportado ng Korean actor na si Ryu Seung Ryong

Samantala, inalala rin n Aga ang huling beses na gumawa siya ng pelikula para sa MMFF. Dalawa sa mga ito ay ang May Minamahal noong 1993, kung saan ay nakatambal niya dito si Aiko Melendez, at Bakit Labis Kitang Mahal noong 1992, na kasama naman si Lea Salonga.

"Feeling ko parang kailan lang 'yon. Pero nung binilang ko, 28 years ago, para sa akin normal na yon. Pero para sa ibang tao, parang ang bata [ko]... When I did this May Minamahal at Bakit Labis Kitang Mahal, I was around 22, o 23 years old," kuwento ni Aga.

READ: After two decades, Aga Muhlach dinumog pa rin sa Parade of Stars ng MMFF

Mapapanood ngayong December 25 ang Miracle In Cell No. 7, kung saan ay makakasama ni Aga sina Xia Vigor, Bela Padilla, JC Santos, Joel Torre, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, at Soliman Cruz.