• Home
  • Fresh Scoops
  • Tradisyon na kay Vic Sotto ang pagbibigay-ngiti at katatawanan sa mga manonood tuwing Pasko.

Vic Sotto, nagbigay pahayag sa estado ng comedy sa Pilipinas

Tradisyon na kay Vic Sotto ang pagbibigay-ngiti at katatawanan sa mga manonood tuwing Pasko.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/25/2019 07:28 AM
Vic Sotto, nagbigay pahayag sa estado ng comedy sa Pilipinas
Photo credit: @bossingvicsotto on Instagram

Naniniwala ang TV host at veteran comedian na si Vic Sotto na nanatiling paborito ng Pilipino ang comedy.

Kasunod ito nang naging pahayag ni Vice Ganda sa mababang pagtingin ng tao sa comedy sa Pilipinas.

At ngayong panahon nang Metro Manila Film Festval, isa si Bossing sa magbibigay-ngiti sa mga manonood sa pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity kasama si Pokwang at Maine Mendoza.

“Pare-pareho lang ‘yan, kaya nga tayo nag-o-offer, nang comedy, drama, action, rom-com, indie, iba-iba ang taste nang manonood e,” tugon ni Bossing sa panayam.

“Hindi naman din pwede na o puro drama tayo ngayon, kailangan iba iba ang ihahain natin tapos sa kabuuan, maganda ang kalalabasan ng festival.”

At bilang kilala sa pagbibigay-ngiti at komedya, hindi naiwasan ni Bossing na ilarawan ang comedy na kanilang hatid sa manonood.

“Ako I always go for nakakatawa at hindi nagpapatawa,” aniya. “Iba ‘yung nagpapatawa sa nakakatawa for me, mas gusto ko ‘yung nakakatawa ‘yung eksena nakakatawa ‘yung tao, hindi ‘yung pinapatawa mo ako.”

“Sa akin, ibang iba ‘yun, ayaw na ayaw ko ‘yung nagpapatawa eh gusto ko ‘yung nakakatawa.”

Mapapanood si Vic sa 2019 Metro Manila Film Festival na Mission Unstapabol: The Don Identity kasama si Pokwang at Maine Mendoza ngayong Disyembre 25.