• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapwa mapapanood ngayong Pasko si Pokwang at Lee O’Brian sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Pokwang, suportado ang MMFF movie ni Lee O’Brian

Kapwa mapapanood ngayong Pasko si Pokwang at Lee O’Brian sa 2019 Metro Manila Film Festival.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/25/2019 07:49 AM
Pokwang, suportado ang MMFF movie ni Lee O’Brian
Photo credit: @leeobrian on Instagram

Masayang Pasko ang haharapin ngayong taon ng Kapamilya comedian na si Pokwang.

Kasunod ito nang pagkakabilang nila ng kaniyang partner na si Lee O Brian sa 2019 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity at Culion kung saan kasama si Lee.

Pagbibiro ni Pokwang, unahin niyang hilahin ang kaniyang pamilya sa kanilang pelikula ni Bossing Vic.

“Ay ganito ‘yan siyempre unahin ko ang sa akin (laughs) Tapos watch kami nang kay Papang, kasama siyempre lahat ang member ng family,” masayang tugon ni Pokwang sa panayam.

Kuwento ng komedyana, traditional Christmas ang kanilang ginagawa sa kanilang tahanan kasama ang kanilang pamilya.

“Pag Christmas naman, usual lang rin, busy luto-luto siyempre ako yan hands on ako. Tapos mga darating, at may konti kaming exchange gift keme,” aniya.

Taon-taon rin labis na ipinagpapasalamat ni Pokwang tuwing Pasko ang malakas na katawan ng kaniyang inang may karamdaman.

“Ang dami kong kailangan ipagpasalamat, una siyempre ang nanay ko kasama pa rin namin siya hanggang ngayon, tapos ‘yung anak ko, kaya thank you lord. Kahit kailan, hindi siya magiging pabigat sa amin,” pahayag pa ni Pokwang.

Mapapanood si Pokwang sa 2019 Metro Manila Film Festival na Mission Unstapabol: The Don Identity”kasama ni Vic Sotto ngayong Disyembre 25.