• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito ang pagbabalik MMFF ni Carmina Villarroel na huling napanood noong 1990 sa ‘Shake Rattle and Roll 2.’

Pelikula ni Carmina Villarroel sa MMFF, pasado kay Cassy at Mavy

Ito ang pagbabalik MMFF ni Carmina Villarroel na huling napanood noong 1990 sa ‘Shake Rattle and Roll 2.’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/24/2019 02:12 PM
Pelikula ni Carmina Villarroel sa MMFF, pasado kay Cassy at Mavy
Photo credit: @mina_villarroel on Instagram

Aprubado raw ng mga anak ng TV host actress na si Carmina Villarroel ang kaniyang naging pananakot sa pelikulang Sunod sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Kuwento ng aktres, natakot niya sa kaniyang pelilkula ang kambal na anak na sina Cassy at Mavy.


“Yes napanood na nila noong premiere night at natakot sila, super,” sabi pa ni Carmina sa panayam.

Aniya kahit na siyang bida, ay natakot rin nang unang beses na mapanood pinagbibidahang proyekto.

“Ewan ko ba kahit ako na alam ko ‘yung istorya, at ako ‘yung umaarte dito natakot pa rin ako. I was holding my breath the whole time, so ‘yun ang magiging reaksyon nila 'pag napanood na nila ‘to at nasa loob na sila ng sinehan.”

Bukod sa positibong review sa pelikula sa MMFF, hindi rin natinag ng matinding sikat ng araw si Carmina na sumama sa parada ng mga bituin ng MMFF.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sunod on dec 25. #sunodmmff

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) on

 

Ayon sa TV host na nagbabalik film fest ngayong taon, labis niyang na-miss ang pagsakay sa float at pagsama sa parada ng mga bituin sa MMFF  na huling napanood noong 1990 sa Kulam episode ng "Shake Rattle & Roll 2."

“Na miss ko talaga ang parada. Kasi ang tagal kong hindi nag parade, dalaga pa ako noon and ang sarap sa feeling na nakikita mo ang mga tao. Lahat naka ngiti sa'yo, tuwang tuwa sila kahit nasa ilalim sila ng araw, nandon talaga sila, kaya maraming salamat po.”

At ngayong nalalapit ang Pasko, taging hiling lang ni Carmina ang suporta mula para sa mga pelikulang kalahok sa MMFF.

Mapapanood ang Sunod at iba pang pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival na magbubukas ngayong December 25.