Oras sa pamilya, hiling ni Kaori Oinuma ngayong Pasko

Nanatiling matatag ang former PBB: Otso housemate na si Kaori Oinuma matapos ang panibagong hamon sa kaniyang buhay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/24/2019 1:44 PM
Oras sa pamilya, hiling ni Kaori Oinuma ngayong Pasko


Wala ng hihingin pa ang former Pinoy Big Brother: Otso housemate na si Kaori Oinuma para sa Pasko kung hindi oras para sa kaniyang pamilya.

Kasunod ito ng panibagong hamon sa kaniyang buhay matapos ang pagpanaw ng kaniyang stepfather na gumabay sa kaniya pag-abot ng kaniyang pangarap.

Ayon kay Kaori, mahalaga ngayon ang parating Pasko dahil sama-sama pa rin sila ng ng kaniyang mga kapatid na sasalubong sa Kapaskuhan.

“Makakasama ko po ngayon ang mga kapatid ko, kasi last year po hindi ko sila nakasama kaso ngayon nasa Japan po ang mother ko, pero sana po makauwi siya,” ani Kaori sa panayam ng PUSH sa Guess Jeans event kung saan kasama ang iba pang PBB housemates.

At dahil nagsisimula nang maging aktibo ngayon sa kaniyang karera bilang isang artista, hiling ni Kaori ngayong Pasko ang oras para sa kaniyang mga mahal sa buhay.

“Siguro kung may mare-receive ako ngayong Pasko, something siguro na magagamit ko para sa bahay , hindi lang para sa akin para na rin sa pamilya ko, pero mas importante pa rin po sa akin ‘yung oras ko with them,” tugon niya pa.

At kung tatanungin naman kung paano niya ilalarawan ang kaniyang 2019, aniya, “Ang 2019 ko, super blessed kasi maraming blessing ang dumating, Maraming masasayang nangyari, and looking forward ako para sa mas masaya pang mga mangyayari for next year.”

Isa si Kaori Oinuma sa mga naging housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother: Otso kung saan isa siya sa mga naging Big Four finalist ng kanyang batch.