• Home
  • Fresh Scoops
  • Jasmine Curtis-Smith on working with Ricky Lee: ‘Nakaka star-struck’

Jasmine Curtis-Smith on working with Ricky Lee: ‘Nakaka star-struck’

Ito na ang ikatlong beses ni Jasmine Curtis-Smith na makasama sa Metro Manila Film Festival Parade of Stars.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

12/24/2019 9:40 AM
Jasmine Curtis-Smith on working with Ricky Lee: ‘Nakaka star-struck’


Sa kabila ng mainit na panahon, tinuluy-tuloy ng Culion actress na si Jasmine Curtis ang pagpaparada sakay ang kanilang parade float, sa naganap na Metro Manila Film Festival 2019 Parade of Stars, nitong Linggo, December 22.

"Masaya, mainit, hindi lang yung panahon [pati] yung pagtanggap sa amin ng mga tao sa daan. Kahit yung mga na-stuck sa traffic hindi sila gano'n kagalit, kumakaway rin sila at nagbababa ng bintana, so it was a good experience," pahayag ni Jasmine sa interview ng PUSH sa kaniya pagbaba ng kanilang float.

Sa panulat ng beteranong screenwriter na si Ricky Lee, proud na ibinahagi ni Jasmine ang kaniyang experience sa paggawa ng pelikula.

"It was an amazing work experience with Sir Ricky Lee. Nakaka star-struck kasi he's such a legendary icon in our industry and more than that napakabait niya. He is very giving, he is very open in terms of sharing his story his life stories, what he does for work as process.

"When someone can be as open and inviting and caring enough to share all those things artist to artist, nakakatuwa kasi you grow as well," paliwanag niya.

 

 

Para kay Jasmine, isa ang Culion sa kaniyang pinaka-proud na proyektong ginawa, dahil bukod sa "entertaining" masasabi niyang ito ay "educational" at "moving".

"Ang daming pinagdaanan ng mga tao sa Culion na hanggang ngayon kung ire-reflect mo siya sa buhay natin, kung nasa panahon ngayon sa Pilipinas makaka-relate ka pa rin, maa-apply mo pa rin ang mga values for our present experiences as a country," pahayag ni Jasmine.

READ: Ricky Lee inspires fresh graduates with his speech

READ: Ricky Lee makes an appeal on current situation of Philippine Cinema: ‘Ito 'yung panahon na dapat hindi tayo divided

Kasama ni Jasmine sa pelikula sina Iza Calzado, Meryll Soriano, at Joem Bascon. Sa ilalim ng direksyon ni Alvin Yapan, mapapanood din ang Culion sa December 25, kasabay ng ilan pang MMFF entries.