• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado, nag-reak sa naging pahayag ni John Lloyd Cruz sa pelikulang ‘Culion’

Iza Calzado, nag-reak sa naging pahayag ni John Lloyd Cruz sa pelikulang ‘Culion’

Kasunod ito ng tila hindi naging pagkakaintindihan ng promo team ng pelikula na cameo role lang si John Lloyd Cruz.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/24/2019 2:02 PM
Iza Calzado, nag-reak sa naging pahayag ni John Lloyd Cruz sa pelikulang ‘Culion’


Nagbigay pahayag ang aktres at bida ng pelikulang Culion na si Iza Calzado sa naging reaksyon ng aktor na si John Lloyd Cruz sa pelikulang bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

READ: EXCLUSIVE: Iza Calzado on John Lloyd Cruz’s cameo in ‘Culion’ movie: ‘Baka yun yung pinaka nakakaiyak na moment’

Kasunod ito nang tila pagkakadikit ng pangalan ng aktor para sa naging promotion ng pelikula.

Matatandaan na sa ipinadalang mensahe ng aktor sa ANCX, nilinaw nito na “cameo” lang ang kaniyang role sa pelikula at hindi comeback movie.

READ: John Lloyd Cruz clarifies appearance in ‘Culion’ only a cameo

“I understand, where he’s coming from,” tugon ni Iza sa promo tour ng pelikula sa Festival Mall nitong Lunes.

“But I had nothing to do with it. I mean I am a producer, but I also saw the trailer when I got there. Actually my initial reaction was ‘Did we ask for (his) permission?’” sabi pa ng aktres.

Kung tatanungin naman kung kumusta naging working relation nila sa maikling eksena kasama si John Lloyd sa pelikula: “Ay super, saya, super nice, super saya I mean when he was there, super saya niya. Sobrang okay,” proud na kuwento ni Iza.

Naniniwala rin ang aktres at producer ng pelikula na magiging maayos rin ang hindi naging pagkakaintindihan ng mga bumubuo ng pelikula at ni John Lloyd.

“I think it’s just something needs time to heal. I believed that the producers, the team sent their apology, and I totally understand where he’s coming from,” pahayag pa niya.

October ng 2017 ng magfile si John Lloyd Cruz ng Indefinite Leave of Absence sa Star Magic.

READ: John Lloyd Cruz to take an indefinite leave of absence from showbiz

Mapapanood ang Culion at iba pang pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival ngayong darating na December 25.