Coco Martin, mas feel si Paloma over Cardo Dalisay?

Hiling ni Coco Martin na panoorin ang mga pelikulang kalahok sa 2019 MMFF.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/24/2019 10:39 AM
Coco Martin, mas feel si Paloma over Cardo Dalisay?


Sa kabila ng matinding sikat ng araw, hindi napigil ang aktor na si Coco Martin sa kaniyang pagbibigay saya sa naganap parada ng mga bituin ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Linggo sa Taguig.

READ: Coco Martin, nag-ala ‘Paloma’ para sa MMFF 2019 Parade of Stars

Dito, nakasuot bilang ang kaniyang karakter na si Paloma ang Kapamilya actor para sa pelikulang 3pol Trobol Huli Ka Balbon na unang beses niyang ipinasilip sa publiko.

 

 

Matinding man ang sikat ng araw, todo ngiti pa rin ang aktor sa kaniyang pagkaway sa mga taong sumalubong sa kanilang float.

Ayon kay Coco, ibang experience ang kaniyang ginawa sa parada kung saan nag-ala Paloma siya sa kabuuan ng parada.

At kung tatanungin kung nainitan ba siya sa kaniyang outfit; “Ay hindi! (Laughs) mas mainit mag jacket, (as Cardo Dalisay),” masayang tugon ni Coco sa panayam ng PUSH.

Dito, hiling rin ni Coco ang buong suporta ng mga Pilipino sa mga pelikulang kalahok sa film festival.

“Sana po, panoorin po natin lahat ng mga pelikula. Lahat magaganda at sisiguraduhin namin na susulitin namin lahat ng pera na ibabayad niyo sa sinehan.”

Makakasama rin ni Coco sina Jennylyn Mercado, Ai-Ai Delas Alas, Sam Milby, Isko Moreno at iba pa.

Mapapanood ang 3pol Trobol Huli Ka Balbon at iba pang pelikula sa MMFF ngayong December 25.