• Home
  • Fresh Scoops
  • Walong makukulay na parade floats ang nagpa-bonggahan sa naganap na Metro Manila Film Festival 2019 Parade of Stars.

TINGNAN: Mga MMFF 2019 stars, nagpa-bonggahan ng kani-kanilang mga Parade floats

Walong makukulay na parade floats ang nagpa-bonggahan sa naganap na Metro Manila Film Festival 2019 Parade of Stars.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/23/2019 10:28 AM
TINGNAN: Mga MMFF 2019 stars, nagpa-bonggahan ng kani-kanilang mga Parade floats
Photo credit: @krisaquino on Instagram

Hindi ininda ang init ng panahon ng mga bituin na nagpunta sa Metro Manila Film Festival 2019 Parade of Stars, nitong Linggo, December 22.

Ibinida ang walong parade floats mula sa walong pelikula na kasapi sa taunang MMFF. Sakay ang mga bida sa mga pelikula, bumaybay ang mga parade floats sa kahabaan mula sa Lakeshore Hall, hanggang sa The Albany McKinley West sa Taguig City.

 


 

 

 

Sinalubong ng mga kumakaway na fans ang bawat parade floats ng mga artista mula sa Mission Unstapabol: The Don Identity, Culion, Tripol Trobol: Huli Ka Balbon, Write About Love, Miracle In Cell No. 7, Mindanao, Sunod, at The Mall The Merrier.

Naging agaw pansin ang pagdadamit bilang 'Paloma' ni Coco Martin para parada.

READ: Coco Martin, nag-ala ‘Paloma’ para sa MMFF 2019 Parade of Stars

Sina Joem Bascon at JC Santos naman ay nagawa pang magpalit-palit ng damit para makasama sa pagpo-promote ng dalawang pelikulang kasama sa festival. Mapapanood si Joem sa Write About Love at Culion, habang si JC ay kasama sa cast ng Miracle in Cell No. 7, at Sunod.

Mapapanood ang lahat ng pelikula sa darating na December 25.