• Home
  • Fresh Scoops
  • Kabilang si Isko Moreno ngayong taon sa 2019 Metro Manila Film Festival sa pelikula ni Coco Martin na ‘3Pol Trobol’.

Pasko ni Yorme Isko Moreno, extra special ngayong taon

Kabilang si Isko Moreno ngayong taon sa 2019 Metro Manila Film Festival sa pelikula ni Coco Martin na ‘3Pol Trobol’.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/23/2019 09:56 AM
Pasko ni Yorme Isko Moreno, extra special ngayong taon
Photo credit: cnn.ph

Makahulugan para kay Manila Mayor Isko Moreno ang darating na Kapaskuhan ngayong taon. Kasunod ito nang kaniyang unang Pasko bilang alkalde ng Maynila mula sa naganap na 2019 election.

Bukod sa kaniyang tagumpay sa eleksyon, nagagawa rin ni Isko na balikan paminsan-minsan ang kaniyang trabaho bilang isang artista.

Sa katunayan, kabilang rin si Isko sa 2019 Metro Manila Film Festival movie entry na “3pol Trobol, Huli Ka Balbon” na pinangungunahan ni Coco Martin.


READ: ‘Yorme’ Isko Moreno, balik-pelikula ngayong Pasko

“Una siyempre ipinagpapasalamat ko sa diyos kasi kung nasaan man ako ngayon, kung ano man ang katayuan ko, malaking bahagi noon siyempre katuwang ang diyos,” tugon ni Isko sa naging panayam ng PUSH.

Dahil sa kaniyang tagumpay sa eleksyon at blessing sa showbiz, naniniwala si Isko na nais ito ng Panginoon sa kaniyang buhay.

“You know what happened to me, I consider it as divine intervention, I came from nothing, from the gutter of society,” sabi pa niya.

Kasabay ng mga tagumpay, hindi rin nakakalimot ang actor‐politician sa pagbabalik sa mga taong nangangailan.

Dito, ipinaliwanag rin ni Isko ang kaniyang pagtulong kabilang na ang mga batang may karamdaman.

“That’s why, I’m really grateful and I cannot return those to God directly so in my own little way,if I can give it back, I will,” pahayag pa ni Isko.

Sa ngayon, prioridad ni Isko ang kaniyang trabaho bilang lingkod bayan ng Maynila.