• Home
  • Fresh Scoops
  • MC at Vice Ganda, minsan na raw nagkatampuhan nang anim na buwan

MC at Vice Ganda, minsan na raw nagkatampuhan nang anim na buwan

Ikinuwento ni MC ang minsang tampuhan nila ni Vice Ganda na umabot ng anim na buwan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/23/2019 11:57 AM
MC at Vice Ganda, minsan na raw nagkatampuhan nang anim na buwan


Naging bukas ang komedyante na si MC Calaquian na magkuwento ng kaniyang dating tampuhan sa kaibigang si Vice Ganda, 12 years ago.

Sa kaniyang pag-guest sa morning talk show na Magandang Buhay nitong Huwebes, December 19, ikinuwento ni MC ang naturang di pagkakaintindihan sa Unkaboggable star.

READ: MC at Lassy, bakit palaging kasama ni Vice Ganda sa pelikula?

"Nag-aya kasi siya na mag-Boracay kami. E may kaibigan akong isa na kaibigan din niya na nag-aya ng Boracay din, pero [mas maagang plano].

"Pag-uwi ko, nagtampo siya, kasi feeling niya baka hindi na ako sumama ng Boracay. E hindi niya alam na pwede naman kasi magkahiwalay naman na buwan. So yung maliit na bagay na 'yon pinagka tampuhan namin," kuwento ni MC na sinabing umabot ng anim na buwang hindi siya pinapansin ni Vice.

"Yung anim na buwan na 'yon magkasama pa kami sa trabaho. Magkasama [pa] kami sa stage na parang walang nangyari. Pero pagbaba ng stage hindi na niya ako pinapansin," pagpapatuloy niya.

Nang tinanong kung paano sila nagkabati ni Vice, "Nagkasama kami sa isang raket, December 'yon. Nagulat ako pagdating ko sa event na 'yon, andun din siya.

"Tapos sinabi niya kay Lacy, 'Marami akong ibibigay sayong raket. Hindi ko bibigyan si MC' pero maya-maya bigla niya akong niyakap. Sabi niya, 'na-miss kita'" kuwento ni MC na agad na hinangaan ng mga momshie hosts.

READ: ‘You’re a blessing’: Fan thanks Vice Ganda for helping child’s heart surgery

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Birthday @akolassy

A post shared by MC Muah Calaquian (@mcmuah) on

 

Isa si MC sa mga kasama sa pelikulang The Mall The Merrier na isa sa mga entries sa taunang Metro Manila Film Festival. Kasama ang kaniyang kilalang ka-partner na si Lassy Marquez, tinagurian ang dalawa bilang side-kick lagi ni Vice sa mga pelikula nito.