• Home
  • Fresh Scoops
  • Dream come true din daw para kay Judy Ann Santos ang makatrabaho ang award-winning director na si Brillante Mendoza.

Judy Ann Santos, aminadong ‘kinilig’ nang i-post ni Ryan ang kaniyang sexy photo

Dream come true din daw para kay Judy Ann Santos ang makatrabaho ang award-winning director na si Brillante Mendoza.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/23/2019 11:50 AM
Judy Ann Santos, aminadong ‘kinilig’ nang i-post ni Ryan ang kaniyang sexy photo

Aminadong kinilig ang Queen of PH Soap Opera na si Judy Ann Santos nang makitang nag-post ang kaniyang asawa ng kaniyang sexy photo sa Instagram.

Sa kaniyang interview sa Magandang Buhay nitong Biyernes, December 27, natatawang binalikan ni Judy Ann ang naturang Instagram post ni Ryan Agoncillo.

"Hindi ko nga ma-repost e. Nahihiya ako, kaya hinayaan ko na lang yung asawa ko yung magpost.  Kasi naman kapag ni-repost ko parang seksing-seksi ako sa sarili ko diba, na gandang-ganda lang ako sa sarili ko," pahayag ni Juday.


Maaalalang maraming kaibigan ni Juday sa showbiz ang nag-comment sa post ni Ryan ng larawan ng aktres na nakahiga sa kama at ipinamamalas ang hubog ng katawan.

TINGNAN: Sexy photo ni Judy Ann Santos, hinangaan

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

baby’s got blue skies up ahead

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

 

Samantala sa parehong episode din ng morning talk show ay ipinaliwanag ni Judy Ann kung bakit niya nasabing 'dream come true' ang bumida sa isang pelikula ni Brillante Mendoza.

"Nung pinresent niya sa akin ito (Mindanao), ibang iba sa lahat ng ginawa niya. May animation, hindi siya tungkol sa politics, hindi siya tungkol sa kahirapan sa poverty sa Pilipinas. Tungkol [ito] sa totoong problema ng totoong mga taong nakatira sa Mindanao.

"Kaya gustong-gusto ko siya kasi yun ang part ng Mindanao na hindi nakikita ng mga tao. Ang nakikita nila kapag Mindanao, 'Nako giyera, nako kaaway' agad. Pero hindi e, tao rin sila, may pinagdadaanan din sila na dapat intindihin at irespeto natin. Kasi hindi tayo dapat mag-judge dahil lang sa religion," paliwanag ng Primetime actress. 

Ito ang pagbabalik ni Judy Ann sa Metro Manila Film Festival, matapos ang halos pitong taon.

Tungkol ang Mindanao sa mag-asawang Muslim na karakter nina Juday at Allen Dizon, at ang may sakit nilang anak. Habang nasa lugar sa Mindanao na may malalayong ospital, nanatiling isang pagsubok ang pagpapagamot ng kanilang anak kahit na isang sundalong medic ang karakter ni Allen.

"Ipinakita dito na it doesn't matter kung anong religion mo. May mga personal na pinagdadaanan ang bawat isa sa atin; yun yung reyalidad. Basically pinapakita dito kung hanggang gaano ang sakripisyo ng nanay para sa anak," kuwento ng aktres. 

READ: Judy Ann Santos, wins Best Actress at 41st Cairo International Film Festival

Mapapanood ang Mindanao simula December 25, bilang isa sa mga entries sa taunang MMFF.