• Home
  • Fresh Scoops
  • Bayani Agbayani ibinahagi ang sikreto ng matatag na pagsasama nila ng kanyang asawa

Bayani Agbayani ibinahagi ang sikreto ng matatag na pagsasama nila ng kanyang asawa

Inamin ni Bayani Agbayani kung ano ang secret sa long lasting relationship nila ng kanyang asawang si Lenlen.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/23/2019 11:09 AM
Bayani Agbayani ibinahagi ang sikreto ng matatag na pagsasama nila ng kanyang asawa


Photo credit: @bayaniagbayani on Instagram

Isa sa mga sikreto ng pagkakaroon ng matatag na relasyon nina Bayani Agbayani at ng asawa niyang si Lenlen ay ang hindi nila pag-aaway pagdating sa pera.

“Sinasabi ko rin ito sa mga mag-asawa, huwag ninyong pag-aawayan ang pera. Kasi either the two of you ay mawawala (mamamatay) kaya do’n naman sa isa mapupunta yon, so pag-aawayan n’yo pa? And besides, hindi n’yo naman madadala sa hukay yan.

“Eh, kasi di ba yan yung laging pinag-aawayan ng mag-asawa – lagi yan.”

Kahit ba kailan ay hindi nila pinag-awayan ni Lenlen ang pera?

“Nung bago kami,” kaswal niyang pag-amin. “Pero na-realize ko ba’t namin pag-aawayan ito? Pag nawala ako, kanya na. Pag nawala siya, sa akin. Pag nawala kami pareho, sa mga anak namin. Pag nawala kaming lahat maiiwan yan, hindi n’yo naman madadala yan,” esplika niya.

Ngayon daw ay nagkakasya na lang siya sa allowance na binibigay ng asawa.

“Binibigyan niya ako ng allowance, pero bilang pa,” sabay tawa ng komedyante.

Nang tanungin ng PUSH kung meron ba siyang maituturing na highest or lowest point ng kanyang showbiz career, ang sabi niya, “Ako kasi hindi ko tinitingnan yung highest at hindi ko na rin tinitingnan yung lowest. Basta ako, stagnant lang, nandito lang ako.

“Kasi ang mahalaga sa akin lagi yung health ng pamilya ko. Yung career, ayoko na ngang mag-artista, eh, kaya lang binibigyan pa rin ako ng Diyos ng pagkakataon na sa edad kong 50 meron pa akong dalawang show sa ABS-CBN. Sabi ko, ‘Bonus na po ito Lord’” wika pa niya.

Eh, ano naman ang gagawin niya if ever huminto na nga siya sa pag-aartista?

Sagot ni Bayani, “Writer, director. Mag-uumpisa na ako next year, magdidirek na ako ng mga pelikula. Gusto ko ngang idirek yung Aswang Ang Nanay Ko (trending comment niya noon sa I Can See Your Voice) at siyempre sa first attempt ko, ididirek ko muna ang sarili ko.

“Meron na akong script, sabi ko ako na rin ang magdidirek tapos kukuha na lang ako ng co-director. Gusto ko sana, ang balak ko si Tita Glo (Gloria Romero) yung magiging nanay ko kaso may sakit siya…

“It’s about time siguro na pasukin ko na yung pagdidirek. Kasi even before naman, yung mga pelikula ko, sitcoms ko, ako naman ang nagki-create nung karakter ko, eh. Pero gusto ko rin munang mag-aral kasi mahira sumabak ng wala kang baon,” deklara pa niya sa PUSH.