• Home
  • Fresh Scoops
  • After two decades, Aga Muhlach dinumog pa rin sa Parade of Stars ng MMFF

After two decades, Aga Muhlach dinumog pa rin sa Parade of Stars ng MMFF

Matatandaan na 26 na taon na nang huling sumabak sa MMFF si Aga bilang bida sa 1993 movie na ‘May Minamahal’ kasama si Aiko Melendez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/23/2019 10:14 AM
After two decades, Aga Muhlach dinumog pa rin sa Parade of Stars ng MMFF


“Continue to love and believe.”

Ito ang Pamaskong hiling ng aktor na si Aga Muhlach sa naging panayam sa kaniya ng PUSH sa Parada ng mga Bituin ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Linggo, December 22.

Ayon kay Aga na bida sa Filipino adaptation ng Korean drama movie na “Miracle In Cell No.7,” labis niyang na-miss ang pagsakay sa float para sa MMFF.

Matatandaan na 26 na taon na nang huling sumabak sa pelikulang pang MMFF aktor bilang bida sa 1993 movie na “May Minamahal” kasama si Aiko Melendez.

“Yes Yes Yes! Ngayon lang ako ulit nakasakay and I feel overwhelmed and I had so much fun with my whole family, I brought them with me and nag-enjoy silang lahat,” sabi pa ng aktor.

Masayang ibinahagi rin ni Aga ang kaniyang naging reaksyon sa naging positibong review ng kaniyang anak na si Atasha, nang napanood nito ang kaniyang pagbabalik-pelikula sa MMFF.

 

 

“Masayang masaya ako talaga. Alam ko talagang inayos talaga namin ang pelikula namin and I made sure na bago ako makasali ng festival ay talagang pinaganda talaga namin ang pelikula,” tugon ng aktor.

At kung tatanungin kung pang Best Actor ba ang kaniyang naging performance, ito ang naging sagot ni Aga: “You know, we all did our part. Basta maganda ang pelikula namin, isang malaking karangalan na po na mapanood niyo po ang pelikula namin,” pahayag pa niya.

Mapapanood ang “Miracle In Cell No.7” at iba pang pelikula na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival ngayong December 25.