Regine Velasquez and Ogie Alcasid mark wedding anniversary

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/22/2019 12:37 PM
Regine Velasquez and Ogie Alcasid mark wedding anniversary


Sa matatamis na mensahe sa kani-kanilang Instagram account idinaan nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang kanilang pagbabalik tanaw sa kanilang ika-9 na taong wedding anniversary.

 

 

“9 years ago today, hindi ka pa rin nagbabago. Pareho ka pa rin, lagi mo pa rin ako pinapatawa, pinapasaya at minamahal Pero ako nagbago na MAS MAHAL PA KITA NGAYON KESA NOON. Mahal maligayang araw ng ating pag-iisang dibdib Ogie Alcasid,” pagbati ni Regine sa mister.

Matamis na mensahe rin ang isinukli ni Ogie para kay Regine na kanilang ibinahagi sa Instagram.

 

 

“9 years ago, I was blessed to start this beautiful journey with you my love. Salamat mahal for letting me in your life and allowing me to share mine with you. I am so in love with you Regina. Happy Anniversary!!!” pagbati ni Ogie para kay Regine.

December 22, 2010, ikinasal si Ogie at Regine sa Terrazas de Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan.

Sa nine na taon na pagsasama ni Regine at Ogie, nabiyayan sila ng isang anak na si Nate Alcasid na walong taon na ngayon.