• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin, nag-ala ‘Paloma’ para sa MMFF 2019 Parade of Stars

Coco Martin, nag-ala ‘Paloma’ para sa MMFF 2019 Parade of Stars

Sinorpresa ni Coco Martin ang mga fans nang makita ang aktor bilang si ‘Paloma’.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

12/22/2019 1:49 PM
Coco Martin, nag-ala ‘Paloma’ para sa MMFF 2019 Parade of Stars


Sinorpresa ng 3pol Trobol Huli Ka Balbon lead actor na si Coco Martin ang mga fans nang lumabas bilang si ‘Paloma,’ ang kaniyang female character alter ego.

Sa nagaganap na Metro Manila Film Festival Parade of Stars ngayong araw December 22, nagbihis si Coco bilang Paloma na unang nakilala sa kaniyang seryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

“BREAKING: PALOMA, first time nagpakita in public! Hindi si Coco Martin kundi si Paloma ang nagpakita sa MMFF Parade of Stars na kasalukuyang nagaganap ngayon sa Taguig City. Sasakay si Paloma sa float ng 3Pol Trobol. #3PolTrobolMMFFParade” ayon sa caption ni Eric John Salut sa kaniyang Twitter post.

 

 

Ibinida rin sa MMFF Parade of Stars ang candy pink-themed nilang Parade float.

Bida si Coco sa MMFF 2019 movie entry na 3pol Trobol: Huli Ka Balbon. Kasama niya sa cast sina Jennylyn Mercado, Aiai Delas Alas, at iba pa. Mapapanood ito simula December 25.