• Home
  • Fresh Scoops
  • Charlene Gonzales, nagbigay pahayag sa pagbabago sa Miss Universe Philippines

Charlene Gonzales, nagbigay pahayag sa pagbabago sa Miss Universe Philippines

Papayag din kaya si Charlene Gonzales na sumabak sa pageant scene ang anak na si Atasha?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/22/2019 9:42 AM
Charlene Gonzales, nagbigay pahayag sa pagbabago sa Miss Universe Philippines


Buong suporta sa kanyang mister na si Aga Muhlach si Charlene Gonzales, kasama ang anak nila na si Atasha, para sa pelikulang “Miracle In Cell No. 7”.

Kuwento ni Charlene, espesyal ang kanilang Pasko ngayong taon lalo na at nagbabalik-pelikula ang kanyang mister at kalahok ito sa Metro Manila Film Festival.

“Napaka special talaga ng Pasko this year, we're in the Philippines. It’s been a while since we spent Christmas here, and with this new blessing 'Miracle in Cell No 7', we're very happy,” sabi pa ng dating talk show host.

At bilang isang beauty queen naman, nagbigay kumento si Charlene sa malaking pagbabago sa Miss Universe Philippines, na titulong hinawakan niya taong 1994.

“Once a Binibini , always a Binibini. Malaki rin ang utang na loob ko kay Stella Marquez, we have a great friendship, unfortunately it’s a new chapter,” sabi pa ng former Miss Universe Philippines.

At ngayong 18 years old na ang kanilang anak ni Aga na si Atasha, marami na ang nagtatanong kung papayagan din niya ito na sumabak sa pag-aartista at sa mga beauty pageant.

“When they finish school, we will support them in anyway we can at yan din naman sinabi namin sa kanila ni Aga," huling pahayag niya.