• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez, naospital matapos ang intense na eksena sa ‘Kadenang Ginto’

Beauty Gonzalez, naospital matapos ang intense na eksena sa ‘Kadenang Ginto’

Hiling ni Beauty Gonzalez na sana’y hindi maging peklat ang mga sugat na kanyang natamo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/22/2019 12:04 PM
Beauty Gonzalez, naospital matapos ang intense na eksena sa ‘Kadenang Ginto’


Matapos ma-shoot ang kanyang eksena sa Kadenang Ginto kung saan kinailangan ng karakter niyang si Romina na magtago sa kagubatan ay ibinahagi naman ng aktres ang nangyari off-cam.

Sa kanyang Instagram story ay sinabi niyang isinugod siya sa ospital matapos makaranas ng matinding pangangati at marami rin siyang natamong galos dahil naging intense ang kanyang eksena.

Hindi naman daw siya nagrereklamo dahil mahal niya ang kanyang trabaho at handa siyang ibigay ang lahat dahil na rin sa kanyang dedikasyon.

“Rushed to the hospital this morning due to unbearable itchiness and lots of lacerations and abrasions from work. I’m not complaining, I would give everything I have for my craft because I really love what I’m doing,” ani Beauty.

“But sometimes you should listen to yourself and take care of yourself. Because my biggest investment is myself. I hope it won’t leave scars,” dagdag pa niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A Hard Day’s Night.🌙

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez) on

 

Gumaganap bilang si Romina Mondragon si Beauty at kinakaharap ng kanyang karakter ang kontrabidang sina Daniela Mondragon-Bartolome (Dimples Romana), Eva (Ana Abad Santos), Hector Mangubat (Joko Diaz), at Alvin Mangubat (Eric Fructuoso).