• Home
  • Fresh Scoops
  • Maine Mendoza, celebrates first anniversary with Arjo Atayde

Maine Mendoza, celebrates first anniversary with Arjo Atayde

Oktubre ng 2018 nang unang napabalita ang pagmamabutihan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/21/2019 12:08 PM
Maine Mendoza, celebrates first anniversary with Arjo Atayde


“Happy First.”

Simple pero makahulugan ang naging caption ng TV host-actress na si Maine Mendoza sa kanyang bagong retrato sa Instagram kasama ang aktor na si Arjo Atayde.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

happy first ♡

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

 

Kasunod ito ng tila mas bukas ngayon na relasyon ni Maine sa aktor na kaniyang ipinahayag sa naging panayam ng entertainment press. “Kasi wala naman na pong dapat itago. ‘Yun lang. Open naman na po kami,” tugon ng TV host.

Matatandaan sa isang naunang panayam, hindi nagdalawang isip si Maine na magkuwento sa kanilang mas lumalalim na relasyon ng aktor kabilang na ang kuwento sa naging salu-salo kasama ang magulang ni Arjo.

 

 

“‘Di, napag-usapan lang po before kasi hindi na po nasundan ‘yung na-meet ko ‘yung parents sa bahay nila. Ang nagsakto pa na ‘yung two movies and nagse-segue ako so parang sinabi ko lang kay Arjo na, ‘Ito na. Mayroon na. May free time na. Dinner na tayo.’”

READ: Maine Mendoza, bukas sa posibilidad na makasama si Arjo Atayde sa isang proyekto

Oktubre ng 2018 nang unang napabalita ang pagmamabutihan ni Maine at Arjo.