Boy Abunda, ikinuwento ang pinagdaanan bago pumanaw ang ina

Kamakailan lamang ay binawian na ng buhay ang nanay Lesing ni Boy Abunda sa edad na 90.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/21/2019 5:47 PM
Boy Abunda, ikinuwento ang pinagdaanan bago pumanaw ang ina


Sa unang pagkakataon ay nagbigay ng ilang detalye si Boy Abunda tungkol sa kanyang pinagdaanan noong naospital ang kanyang nanay Lesing hanggang sa binawian na ito ng buhay noong Disyembre 1.

Read: Ina ni Boy Abunda, pumanaw na

Ayon sa King of Talk, kahit na isa siyang public figure ay hindi niya rin masyado naikukwento sa publiko ang kanyang pribadong buhay. Sa panayam ni Bela Padilla sa Tonight with Boy Abunda ay kinamusta niya ito pero inamin niyang hindi siya okay.

“Not good. I’m pretending to be okay… I want to share the story, Nanay ay nasa ospital po ng 63 days,” ani Boy, na noong panahong iyon ay marami rin siyang trabaho.

“I didn’t share the story [because] I was doing Tonight with Boy Abunda, The Bottomline and The Cinema, I did a lot of things. Naging kaugalian ko even if I’m very public, I am not very public about my… I don’t know hindi ko alam, maybe because ayaw kong kaawaan ako? So siguro doon, that’s an insecurity,” kwento niya.

Sa 63 na araw na nasa ospital si nanay Lesing ay takot na takot daw siya sa tawag at sa katok.

“The first time nag-code blue, nag-agaw buhay ang aking nanay it was 3:30 in the morning tumawag ang nurse, si Miguel, nagtatakbuhan lahat ng nurses lahat mga doctor, you don’t understand what happens you’re just outside helpless, powerless. Nothing,” pagbalik-alala ni Boy.

Nabuhay naman ng kanyang nanay ngunit mula noon ay palagi na siyang may takot tuwing madaling araw. Sa mga panahong iyon ay lagi rin siyang nagdadasal sa chapel ng ospital, sa Quiapo, at Baclaran.

“I just kept on praying, nung nag-ring uli ‘yung telepono I wanted to die because I knew something was wrong. I’ve never been so afraid of phone calls ni hindi ako makatingin sa cellphone,” aniya.

Noong mga panahong ‘yon ay pinagdarasal niya ring sana ay makalabas pa ng intensive care unit (ICU) ang kanyang ina upang makapagdiwang sana ng Pasko at bagong taon man lang.

“Hindi ko kinukwestyon ang desisyon, ang will ng Diyos pero bilang anak ‘yun lang ‘yung wish ko. Just one more day.”

“Nagpasalamat na lang ako, ang naalala ko lang my mother died in my arms, my mother died in my embrace… That will forever stay in my heart,” ani Boy na sinabing maraming magandang nagbago sa kanilang pamilya noong pumanaw ang kanyang ina.

“Yung niece ko yung aking pamangkin si Lani for many years my relationship with her was strained. Ngayon niyayakap ko na, nag a-I love you na kami sa isa’t isa because that experience changed me,”

“Pangako ko nanay aalagaan ko ang pamangko ko, ang kapatid ko, aalagaan ko ang sarili ko para maalagaan ko sila.”

Pinaalalahanan din ni Boy ang mga batang manononood na mabuting i-express ang nararamdaman sa kanilang mga magulang hangga’t hindi pa huli ang lahat.

WATCH: EXCLUSIVE: Tito Boy, first time na nagkwento tungkol sa mga huling oras niya kasama si Nanay Lesing

“That particular 10 minutes at the last life of my mother will forever change the way I look at the world, the way I look at myself, the way I view life,” aniya.