• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin, may panawagan sa kabataan: ‘Tumulong ka ng walang kapalit’

Angel Locsin, may panawagan sa kabataan: ‘Tumulong ka ng walang kapalit’

Ibinahagi ni Angel Locsin ang kaniyang patuloy na pagtulong sa mga kababayang nangangailan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/21/2019 11:55 AM
Angel Locsin, may panawagan sa kabataan: ‘Tumulong ka ng walang kapalit’


Aminado ang Kapamilya actress na si Angel Locsin na magkahalong saya at lungkot ang kaniyang nararamdaman sa nakuhang pagkilala ng Forbes Asia Magazine bilang isa sa 30 notable charity donors.

READ: Angel Locsin among Forbes’ list of most honorable charity donors of in Asia

Kasunod ito nang kaniyang lihim na pagtulong sa mga taong nangangailangan na mga biktima ng kalamidad, sakuna at bakbakan sa Pilipinas mula sa nagdaang mga taon.

READ: After Davao, Angel visits North Cotabato to give out aid to quake victims

“Nahihiya talaga akong pag-usapan ‘yung mga ganung bagay, katulad nga nang na tweet ko of course gusto ko i-acknowledged kasi Forbes Asia di ba, nakapa surreal nang pakiramdam talaga ma mapabilang ka katabi ng mga naglalakihang mga tao,” tugon ni Angel sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News nitong Biyernes, Disyembre 20.

“Pero nakakalungkot kasi napabilang ka doon. Kasi naalala ko kung bakit ako andoon,” ani ng aktres.

“May mga taong nag-suffer, may mga nasalanta, may mga namatay may mga ganyan. Nakakalungkot.”

Ayon pa kay Angel, nagpapasalamat siya sa pagkilala at nais niya itong maging inspirasyon pa para sa iba na tumulong rin sa mga nangangailan.

“Naiisip ko nalang na basta ayoko talaga pag-usapan (yan) na iisip ko na lang na, baka isa ‘tong paraan para makapag inspire pa ng mga kabataan na tumulong rin,” sabi pa ni Angel.

“Wala kayong kailangan antayin na oras, pag may nangangailangan, wala nang tanung-tanong tulungan niyo.”

At sa kaniyang walang humpay na pagtulong, naitanong rin sa aktres kung ano ang fulfillment na naidudulot nito sa kaniya.

“Sa totoo lang, kung makikita mo ‘yung kaligayahan ba natulungan mo, siguro, triple ‘yung kigayahan na mararamdaman mo kapag ikaw ‘yung taong nakatulong. Mas better na ikaw na ang tumutulong, kaysa mapunta ka doon sa situation nila,” paliwanag niya.

“Mas marami kang ipagpapasalamat talaga, iba ‘yung walang kapalit ‘di ba ‘yung tumulong ka nang walang kapalit.”

Ayon pa kay Angel, hindi pa rin siya titigil sa pag tulong sa mga nangangailan lalo ngayon na paparating ang Pasko.

“Lahat naman ng plano ko walang nakakaalam,” aniya.

“So ime-maintain ko nalang na ganun lang talaga. Of course maliit na grupo lang ‘yun minsan apat lang kami, for security reasons rin talaga at wala talaga akong plano na ipaalam talaga,” sabi pa ng aktres.

Sa kaniyang lihim na pagtulong, mas masaya rin si Angel na nagagawa niya ng maayos ang kaniyang misyon na tulungan pa ang mga nangangailan.

“Mas okay na nag-wo-work ng ganun, kasi nagiging fans day eh, nakakalimutan na charity ‘yung pinuntahan. Maraming nagte-take advantage, gumugulo ‘yung lugar so hindi rin pabor sa mga taong pinupuntahan,” pahayag pa ng aktres.