• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Angel Locsin ang bagong celebrity advocate ng Optical Meda Board para labanan ang pamimirata.

Angel Locsin, kakalabanin ang mga pirata

Si Angel Locsin ang bagong celebrity advocate ng Optical Meda Board para labanan ang pamimirata.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/21/2019 09:32 AM
Angel Locsin, kakalabanin ang mga pirata
Photo credit to Nimfa Chua

Pormal na ipinakilala ang Kapamilya actress na si Angel Locsin bilang bagong celebrity ambassador ng Optical Media Board (OMB) bilang boses para labanan ang piracy.

 

 

Kasama ang OMB Chairperson na si Anselmo Adriano, lumagda si Angel ng Memorandum Of Agreement nitong Biyernes para maging katuwang ng OMB sa kanilang kamapanya na “Stop Piracy #NgayonNa”.

“Noong sinabi po sa akin ang tungkol sa proyektong ‘to, Hindi po talaga ako nagdalawang isip kasi ang industriyang ito ang bumubuhay sa ating lahat at lahat po tayo ay nakikinabang dito,” ani Angel sa MOA signing.

“At para po sa akin, sapat lang po na gawin ko ang aking obligasyon para tulungan ko ang industriyang  to, ang industriyang bumubuhay sa pamilya ko at sa pamilya niyo rin po," dagdag pa niya. 

Bilang isang artista, aminado si Angel na ramdam niya ang pagliit at pagbagsak ng Filipino movie industry dahil sa piracy.

“Maraming beses, simula nang pumasok ako sa industriya talagang talamak na ang pirata, marami na akong nakita na producers ang umiiyak at nararamdaman ko na paliit nang paliit na ang movie industry,” sabi ng aktres.

WATCH: PUSH EVOLUTION: Angel Locsin

“Kung gagawin natin ang part natin baka lumago pa ang movie industry ng Pilipinas,” ayon pa kay Angel. 

Sa huli, naki-usap ang The General's Daughter star sa publiko na gawin rin ang kanilang ambag para labanan ang patuloy na pag-laganap ng piracy.

“Sana po magtulungan po tayo, na maipahatid sa publiko na tigilan na po ang pamimirata, dahil marami po ang nadadamay, mula sa mga nagta-trabaho sa likod at harap ng camera.”