• Home
  • Fresh Scoops
  • TINGNAN: Dianne Medina, Rodjun Cruz ipinasilip ang “dream house”

TINGNAN: Dianne Medina, Rodjun Cruz ipinasilip ang “dream house”

Bago pa man ang kanilang inaabangang kasal ay nagdidiriwang na ang celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz dahil sa isang bagong biyaya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/20/2019 1:21 PM
TINGNAN: Dianne Medina, Rodjun Cruz ipinasilip ang “dream house”


Photo credit: @rodjuncruz IG

Bago pa man ang kanilang inaabangang kasal ay nagdidiriwang na ang celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz dahil sa isang bagong biyaya.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang isang retrato kung saan kita siya at ang aktres sa harap ng kanilang dream house.

“Team work makes the dream work! Congrats to us my fiancee’ in a few days my wife! Thank you Lord for blessing us more than we deserve,” ani Rodjun.

 

 

Ayon naman kay Dianne, matagal nila umanong pinagtrabahuhan at pinaghirapan ang nasabing bahay.

“Sharing our Dream House. Our first house and our first investment together. 2 months in search for the best contractor, 1 month of fixing permits, 1 year and 6 months of house construction from the ground- up and 2 months of furnishing the house. We both worked really really really HARRRRD for this (lahat na nang segue na pwede sa work). Thank you Lord for blessing us much more than we deserve. I can’t believe it! This is it!” dagdag niya.

 

 

Nakatakdang ikasal sina Dianne at Rodjun bukas, Disyembre 21, matapos ang mahigit 12 taon na sila ay magkasintahan.