• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsama samang muli ang buong cast ng highest-grossing Filipino film na Hello, Love, Goodbye para sa isang masayang get-together nitong Miyerkules.

TINGNAN: Cast ng ‘Hello, Love, Goodbye’, nag-pose sa kalsada

Nagsama samang muli ang buong cast ng highest-grossing Filipino film na Hello, Love, Goodbye para sa isang masayang get-together nitong Miyerkules.

BY
PUSH TEAM
Follow me on Twitter: PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/20/2019 01:08 PM
TINGNAN: Cast ng ‘Hello, Love, Goodbye’, nag-pose sa kalsada
Photo credit: @jeffreytamagician IG

Nagsama samang muli ang buong cast ng highest-grossing Filipino film na Hello, Love, Goodbye para sa isang masayang get-together nitong Miyerkules.

Sa Instagram, nagbahagi ang lead star na si Kathryn Bernardo ng isang group photo kasama ang kanyang “HLG” family.

“This is best gift I've received from filming #HelloLoveGoodbye: the gift of true friendship! Salamat naman at hindi tayo ‘shooting friends’ lang! Will be forever grateful to each and every one of you. Merry Christmas from Team HLG (aka team pabigat)!” ani ng tinaguriang Box Office Queen sa caption.


 

 

Samantala, nagbahagi rin ng isang retrato ang kanyang co-star na si Jeffrey Tam sa Instagram kung saan makikita ang cast ng pelikula na nakahiga sa kalsada.

“Ang mga tunay na magkakaibigan ay humihiga sa daan wala kaming pakialam kng may dadaang sasakyan. Hahaha!” ani ng comedian-magician.

 

 

Maaaring mapanood ang Hello, Love, Goodbye sa iWant at KBO.