• Home
  • Fresh Scoops
  • Rocco Nacino on working with Kapamilya actors in ‘Write About Love’: ‘Napaka-welcoming nila’

Rocco Nacino on working with Kapamilya actors in ‘Write About Love’: ‘Napaka-welcoming nila’

Rocco Nacino, gusto makatrabaho ang iba pang Kapamilya stars.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/20/2019 10:49 AM
Rocco Nacino on working with Kapamilya actors in ‘Write About Love’: ‘Napaka-welcoming nila’


Masaya ang naging karanasan ni Rocco Nacino habang ginagawa ang pelikulang Write About Love at sa pakikipagtrabaho niya kina Miles Ocampo, Joem Bascon, at Yeng Constantino na puro mga Kapamilya stars.

Pabiro niyang simula, “Ako yung nag-stand out. Kasi three against one. Pero it was surprisingly easy to work with all of them at napaka-welcoming nila. Siyempre, ako yung kailangang mag-effort to break yung ice.”

Paano ba niya ide-describe sina Joem, Yeng at Miles?

“Si Joem kaibigan ko yan, pero first time ko siyang makatrabaho. And to see him actually work naging tagahanga ako. Sabi ko, kaya pala Joem is Joem.

“Si Miles naman, she is super enthusiastic sa mga eksena niya. Kumbaga, yung istorya at yung character ay ginawa para sa kanya,” paglalarawan niya sa dalawa.

“Yeng is a different kind of enthusiastic kasi iba yung mundo niya, eh, sa pagkanta, music industry. Ang dami niyang tanong sa akin on how to be an actor, paano gumawa ng mga eksena. So it’s nice na at least ngayon parang nakakabahagi ako ng kaalam niya sa pag-arte,” lahad naman niya tungkol kay Yeng.

Inamin din ng aktor sa PUSH na nakaramdam siya ng kaba nung simula ng syuting ng Write About Love dahil baka hindi niya makasundo ang mga co-stars.

“I walked into the set na kabado. Ang dami kong tanong, medyo dina-doubt ko yung sarili ko na, ‘Magagawa ko ba ito? Pataasan ba ito ng galing o pakitang gilas ba ito?’ Pero hindi, eh,it became very, very easy and everyone just wanted to create something really beautiful,” sabi pa niya.

Handa rin daw siyang makatrabaho sa iba pang mga pelikula ang iba pang Kapamilya actors.

“Yeah, any of them. Yon ang joy ng pagiging isang artista o isang aktor, eh. You always meet new challenges or meet new actors na posibleng magklik or makagawa ng magandang proyekto. It’s always that chance, eh.

“Personally hindi ko sila kilala lahat, eh, si Kathryn (Bernardo) pa lang ang nakilala ko, eh. I’m so happy na successful yung movie nila ni Alden (Richards). Hopefully, if given the chance definitely very open ako na maka-work yung iba,” pahayag ni Rocco.

Ang Write About Love ay prinodyus ng TBA Studios at mula sa direksyon ni Crisanto Aquino. Ipapalabas naito simula December 25 bilang official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival.