• Home
  • Fresh Scoops
  • Maine Mendoza, pinaghandaan ang longest route ng MMFF parade of stars

Maine Mendoza, pinaghandaan ang longest route ng MMFF parade of stars

Ito na ang ikatlong taon ni Maine Mendoza na makisaya sa taunang parada ng mga bituin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/20/2019 10:56 AM
Maine Mendoza, pinaghandaan ang longest route ng MMFF parade of stars


Photo credit: @mainedcm IG

Game na game na ang TV host actress na si Maine Mendoza sa nalalapit na parade of stars na gaganapin ngayong December 22 (Linggo) ng mga pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Ang Taguig City ang host city ngayong taon ng parada sa MMFF na iikot simula Lakeshore C-6 patingong ML Quezon, MRT Ave, McKinley Parkway, 32nd St., 7th Ave., 26th Ave., 5th Ave., LeGrand Ave., Chateau Road at magtatapos sa McKinley West open ground kung saan magkakaroon ng kaunting pagtatanghal ang mga artista.

Ayon kay Maine, kahit mahaba ang magiging ruta ngayong taon, game siya dito.

“Iba ‘yung feeling na andon kayo, kaway-kaway lang tapos masaya na sila umulan bumagyo,” tugon niya sa panayam ng press sa naganap na Mission Unstapabol: The Don Identity.

At kahit na inulan ang experience ni Maine sa nakaraang taong MMFF,  hindi pa rin daw sila matitinag na magbigay saya sa mga tao.

“Sana lang po hindi umulan, kasi last year, umulan e medyo , mahirap kasi nabalahaw ‘yung mga float sayang, kasi pinaghirapan rin po ‘yun e, so sana ngayon maganda ang weather sana marami ang lumabas.”

Isa si Maine sa mga mapapanood sa 2019 Metro Manila Film Festival na Mission Unstapabol: The Don Identity kasama ni Vic Sotto na mapapanood ngayong Disyembre 25.