• Home
  • Fresh Scoops
  • Sino ang mangunguna sa float ng 3Pol Trobol kung hindi sisipot ang bida nito na si Coco Martin?

Coco Martin, hindi raw darating sa MMFF Parade of Stars?

Sino ang mangunguna sa float ng 3Pol Trobol kung hindi sisipot ang bida nito na si Coco Martin?

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/20/2019 10:51 PM
Coco Martin, hindi raw darating sa MMFF Parade of Stars?

Ngayong Sunday, December 22 na ang Parade of Stars ng official entries sa Metro Manila Film Festival 2019. Isa ito sa mga inaabangang event taunang MMFF. 

Marami ang nakabaang dito lalo na ngayon na naglalakihan ang mga bida sa mga pelikulang kalahok.

Nariyan sina Vice Ganda, Anne Curtis, Aga Muhlach, Vic Sotto, Maine Mendoza, Carmina Villarroel. 


Pero ano itong  narinig naming balita na hindi daw magpa-participate si Coco Martin, ang bida sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon at hindi ito sasakay sa float ng nasabing movie.

Kilala namin si Coco na pagdating sa promotion ng movie niya ay napakasipag, ano kaya ang dahilan? Siya din ang direktor at producer ng pelikulang ito. Sino kaya ang artistang sasakay sa float ng 3Pol Trobol ngayong Sunday? 

Kailangan naming makuha ang panig ng kampo ni Coco sa isyung ito. Marami ang tiyak na malulungkot kapag nangyari ito.