• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe Watch: Gazini Ganados, sumabak na sa kabi-kabilang Miss Universe activities

Miss Universe Watch: Gazini Ganados, sumabak na sa kabi-kabilang Miss Universe activities

Masungkit kaya ni Gazini Ganados ang ika-limang korona ng Pilipinas sa Miss Universe?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/2/2019 9:29 AM
Miss Universe Watch: Gazini Ganados, sumabak na sa kabi-kabilang Miss Universe activities


Photo credit: @gazinii IG

Simula na ng laban para kay 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados, na kasalukuyan na nasa Atlanta, Georgia ngayon para sa 68th edition ng Miss Universe pageant.

Sa kanyang Instagram post, ibinida ng ating pambato ang kanyang “Inaul” inspired OOTD na kanyang suot sa unang araw ng pageant activities.

 

 

Sa social media naman, isa ngayon si Gazini sa mga paboritong sundan ng pageant fans. Sa isang live video ng makeover ng mga Miss Universe candidates, ipinakita ng Pinay Miss Universe ang kanyang unang CHI hair care look.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bakla ng taon ! Lavarrn na lavarrn si Inday ✨ @gazinii @missuniverse #MissUniverse #Ganado5

A post shared by Filipina Queens 👑 (@pinasqueens) on

 

Sumalang din ang Miss Universe candidates sa orientation para sa kanilang nalalapit na laban.

Dito naman ay suot ni Gazini ang pearl white long sleeves at mustard yellow na jumpsuit na gawa ng Pinoy fashion designer na si Ador Feliciano.

 

 

Naka bonding rin ni Gazini ang ilang Miss Universe candidates na si Julia Horta ng Brazil. 

 

 

Kung papalarin, si Gazini Ganados ang pang limang Pinay beauty queen na mag-uuwi ng korona sa Pilipinas na ipapasa ng reigning Miss Universe na si Catriona Gray.